Chapter 26

312 39 4
                                    

CHAPTER 26 Raze

- Rory's POV -

"Hello. Magtatanong lang sana." Wika no'ng nakasakay. Gusto kong maniwala sa gustong sabihin ng utak ko pero ayokong umasa. Pero kase, 'yong boses.

Hanggang sa mata lang ang kita sakanya. Tapos naka-sunglasses pa. May araw pa ba?

"Ano 'yun?" Tanong ni Kiel na kinikilig pa base sa pananalita at pagkakahawak nito ng mahigpit sa braso ni Ngay. "Owemji!" Mahinang bulalas nito na sigurado naman akong nakaabot sa lalaking ngayon ay kausap niya.

Unti-unting bumaba ang salamin no'ng sasakyan na sapat na para makita ang buong mukha ng sakay.

"Want a ride?" Pagkarinig na pagkarinig ko no'ng sinabi nya ay halos mapatalon ako sa gulat. Nagwawala nanaman ang nasa loob ko. Hindi ako makahinga ng maayos!

Sya ba 'to? Hindi ko na gustong itanong ito, pero kase... Seryoso? Nandito sya? Sya ba 'to?

"A-ano? Nabibingi yata ako." Ani Kiel.

"Hop in." Anito, nakangisi sya ngayon.

Darn! Boses palang, Rory. Boses palang! And now... Buong mukha kitang-kita. Halos lumabas ang puso ko sa nangyayare. Ano 'to?

"Kuya? Sorry po ah? Alam kong gwapo kayo, pero hindi naman po kami easy to get." Ani Ngay.

"What?" Nagpipigil ng tawang tanong nito.

"Sabi mo "Hop in." Uhh. Who you? Ano----" Napatingin si Kiel kay Ngay na mukhang nanghihingi ng tulong.

"We don't even know you." Ani Ngay.

"Yes! Yes that!" Segunda ni Kiel. "Bakit ba kapag gwapo nakakabobo?" Bulong pa nito.

"Kilala ko si Rory." Confident na turan ng kausap nila.

Napatingin sa'kin 'yong dalawa ng may mga nagtatanong na mukha. Oo, halos maging 'question mark' ang mukha nila na tinignan ko lang ng parang wala lang. Matapos ay muli silang bumaling sa kaharap. Wala pang isang minuto ay mabilis ang mga itong nakalapit sa sasakyan para sumakay.

What the hell?

"Ngay! Kiel!" Tawag ko sa mga ito na ngayon ay mga nakaupo na.

"Ano? Pabebe pa? Tara na!" Ani Kiel na ngayon ay katabi ni... I gulped. KIB? Raze? Nakikisilip sya sa bintanang nakabukas.

"Let's go Rory." Aniya bago hinarap si Kiel. "Dre, pwede do'n ka sa likod? Kay Rory 'yan eh." Anito na nakapagpasinghap kay Kiel.

"Wow, ha? Kuya! Wow!" Ang tanging sagot nito bago tuluyang lumipat sa backseat. Matapos ay pinataas ni KIB 'yong bintana bago binuksan 'yong pinto at lumabas.

Biglang naghisterikal ang puso ko sa ginawa nya. Ano ba kaseng sinagawa nito dito? Ano? Aksidente lang ba 'to? D-mn! Nagtaasan ang mga balahibo ko ng mapagtantong nasa mismong harapan ko na sya. Maygad! Nalimutan ko na yatang kumurap dahil titig na titig ako sa bawat galaw na ginagawa nya.

Napalunok ako. At pigil hiningang sinuri sya. Vans, black pants, white T-shirt. Ngayon ay nakatayo sya sa harapan ko. Nasa bulsa ang kaliwang kamay habang ang kanang kamay ay hawak ang phone at do'n nakatuon ang atensyon. Why so hot? Maya-maya ay bahagyang tumaas iyon at biglang nag-flash sa tapat ko na nakapagpapikit sa'kin na nasundan pa ng isang flash.

What the? Seriously?

Naiinis na tumayo ako at binigyan sya ng isang naiiritang tingin na may magkasalubong na kilay.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now