Chapter 43 Feelings

277 16 1
                                    



Naiwan akong tulala sa nangyari. Nabalik lang ako sa katinuan nong may biglang yumugyog sa balikat ko kasabay ng mahihinang pag-irit. Napalunok ako bago inilibot ang paningin sa kabuuan ng classroom. Halos lahat sila ay nakatingin sa'kin nang may mga ngising mapang-asar.


Sh-t!


Nanikip ang dibdib ko nang biglang bumukas 'yong pinto at makita ulit sya. Lahat ay napasinghap sa gulat.

Tahimik, nawala ang ingay.



Tinitigan nya ako ng diretso bago sumilay ang ngiti sa labi nya.

"I'll fetch you later." Anito bago tuluyang mawala sa paningin ko.


At isang nakakarinding tilian ang narinig ko pagkasarang pagkasara nong pinto.

"Ang swerte mo, Rory!" May halong pagkakilig na sabi ng katabi ko.


Pabagsak akong naupo sa upuan ko. Nasapo ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko at napapikit ng mariin.


Paano nya nagagawa 'yon? Sino sya?!


Mga tanong sa isipan ko na maghapong gumulo sa'kin.

Natapos ang mga klase ko na walang ibang pumasok sa isip kung hindi ang mga nangyayari na wala sa plano at kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na mangyayari.

Ano ang karapatan nyang halikan ako?


Nong matapos ang klase ko ay tinext ko kaagad sina Kiel na sa cafeteria na kami magkita-kita.


"Okay ka na? Ang akala ko mauuna ka na kanina?" Nag-aalalang tanong ni Kiel sa'kin.

"Ayos na ako... Kiel, can I ask you a favor?" Mabilis na tanong ko nang makaupo sya.

"Shoot it, Ry." Anito.

"Ikaw nang kumuha nong sasakyan sa parking, sa harap na kami maghihintay." Sabi ko na mabilis na ikinataas nang kilay nya.

"Anong mayron?" Tanong nya.

"I'll explain later." Sagot ko.


Nagpabuga sya ng hangin bago inilahad sa'kin 'yong kamay nya. "Just make sure not to miss any detail." Utas nya.

Tumango ako tyaka inilagay sa palad nyong susi. "Thanks."


Ilang sandali pa ay dumating na rin si Ngay, na nasundan nina Mia at Pat.

"Bakit hindi nalang tayo sumabay kay Kiel?" Tanong ni Mia habang naglalakad kami palabas ng University. "May problema ba?" Dagdag pa nito.

"Later, Mia." Sagot ko.


Hindi ko alam kung totoo nga ang sinabi nya, pero gusto kong makasigurado ngayon na hindi ko sya makikita.


I don't want him near me. Ahg!


Hanggang sa makarating kami sa labasan ay wala nang nagtanong pa. Siguro ay naramdaman na rin nila na may iba at wala akong plano na magsalita.

Nang makasakay sa sasakyan ay tahimik lang ang lahat, maging si Kiel ay wala nang sinabi.

Ayoko syang makita.

'Yan lang ang tumatakbo sa isipan ko hanggang sa makarating kami sa bahay.

Paakyat na ako sa hagdan no'ng marinig ko na tinawag ni Kiel ang pangalan ko gamit ang seryosong boses.


His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now