Chapter 51 BS

225 14 1
                                    




Kinakabahan ako! D-mn it! Kanina pa ako hindi mapalagay sa sasakyan hanggang sa makababa kami dito sa mismong paggaganapan ng book signing! Nasa isang kwarto ako kasama ang ilang staff at ang mga kaibigan ko. May mga nakita na rin akong author na sikat at sigurado akong nabasa ko na ang ilan sa mga gawa nila! Gusto kong mag-fan girl pero hindi ako pinapayagan ni Kiel.

"Maygad! Patayin mo nga 'yang fan mo! Ang lamig-lamig na nga no'ng air con nakatutok ka pa dyan!" Ani Kiel sa akin.

"Mainit Kiel! Pinagpapawisan ako!" Sagot ko sakanya.

"Rory, tao ka 'di ba?" Ani Mia mula sa gilid ko.

"Hindi ko kailangan ng pick up line mo ngayon Mia." Utas ko bago kumuha ng tissue sa mesa at magpunas no'n sa noo. "What the hell? Bakit ako pinagpapawisan ng ganito?!" Reklamo ko.

"Mag-relax ka kasi, and Rory I was about to say tao ka 'di ba? Sa tao ka rin haharap, bakit ka magre-react ng ganyan? Chill ka lang." Sabi ni Mia.

"Kinakabahan ako, normal lang naman ang kabahan." Pagdepensa ko.

"Ang kabahan ng ganyan?" Nakataas ang kilay na sabi ni Kiel. "Baka kabag na 'yan? Naje-jebs ka ba? Or what?"

Halos umikot ang mga mata ko sa mga sinasabi nila. "Bilhan mo nalang ako ng ice cream Kiel o chocolate." Sabay taas baba pa ng mga kilay ko.

"Kaya ka nananaba eh! Dapat ang mga kinakain mo mga fatless." Sagot nya sa akin.

"Fatless?" Tanong ko.

"Walang taba?" Nakakibit balikat na sabi nya.

"D-mn you Kiel! Don't us!" Nakangising utas ni Mia.

"Pananalita Mia, filter nakakalimutan." Maarteng sabi ni Kiel.

"Nasaan na ba 'yong dalawa?" Pag-iiba ko sa usapan.

"'Di ba ang sabi nila maglalakd-lakad sila? Babalik din 'yong mga 'yon." Sagot ni Mia.

"Omg! Palapit si virgin!" Kinikilig na utas ni Kiel.

"Ang filter Kiel!" Pagbawal ko.

"Kilala sya sa tawag na ganon, don't me Rory." Anito na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Makikiupo." Anang bagong dating na si Sic.

"Sure kuya! Omg! Kyah Sic! Pwede pa-selfie? Hehe." Ani Kiel.

"Oh, sure." Malawak ang ngiting sagot ni Sic.

"Me too!" Ni Mia tyaka ako binalingan. "Dyan ka muna." Sabay hagikgik nito bago ako iniwan.


Dito sa kwarto ay may long table, may mga upuan. Katabi ko kanina sa kanang gilid ko si Mia habang si Kiel ay nasa harap ko at 'yong fan ay nasa kaliwang gilid ko. Nasa dulo kase ako nakaupo. Si Sic naman ay pumwesto na dalawang upuan ang layo kay Kiel.

"Bagong author ng pub.com?" Tukoy nya do'n sa publishing company habang nakatingin sa akin.

"Oo." Naiilang na sagot ko habang may hilaw na ngiti.

"Ikaw si Rory, tama?" Nakangiting tanong nya pa.

Lumunok ako. "Oo." Sagot ko ulit.

"Alam mo 'yong 'Four Pics, One Word?'" Tanong nya ulit.

"Yeah." Nagugulohang utas ko.

Mas ngumisi sya. "Sabi na eh, favorite mo?"

"Uh?" Pumaling ang ulo ko sa kanan, dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nya.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now