Chapter 17

419 47 6
                                    

CHAPTER 17 I Get It

- Rory's POV -

Ang ganda nya tignan! He looks good when he smile. Sexy when the serious mode is on.

Bakit kaya nagtatago sya sa likod ng isang face mask nya?

Nag-iwas na ako ng tingin at nag-focus na lamang sa main button ng phone ko.

His smiles. And oh please don't forget the "view". Biglang nag-init ang pisngi ko sa naisip at muling napalunok.

"Rory?" Tawag nya.

"Oohh?" Hindi makatingin na tugon ko. Bakit ganon? Pakiramdam ko ay hindi maganda sa tainga ang pagkakasabi ko no'n.

Jusko! Rory umayos ka! Nagiging mahalay ka na!

"Saan ka ba nakatingin? Look at me." Anito sa isang inosenteng tono.

Napalunok ulit ako bago lumibot ang mga mata ko sa paligid at dumiretso iyon sa ibaba. Hindi ba sya nakakaramdam?

"Seriously?" Natatawang wika nya. "Ayan, hawak ko na 'yong phone. You don't have to feel awkward." Dugtong pa nito.

I let a heavy sigh. Bakit ang arte mo Rory? Mariin na pumikit ako bago tumingin sakanya.

"What the hell?!" Nanlalaki ang mga matang nakatingin ako ngayon sa screen. Habang sya ay mukhang masayang-masaya sa naging reaksyon ko. Tawa sya ng tawa sa sariling kalokohan! Ganon pa rin ang pwesto ng screen, walang ipinagbago! Hindi nya hawak! Ang mas malala pa ay maliwanag na. Kitang-kita ang kabuuan ng upper body nya!

Hanggang ngayon ay tumatawa sya. Hindi steady ang phone nya dahil sa reaksyon nya. Pero hindi ko alam kung pano ba hindi iyon nahuhulog. Just what the hell?! Tini-trip nanaman ba ako ng isang 'to?!

Ng makaipon ng kaunting lakas ng loob ay nagsalita ako. " 'Wag mong idadahilan sa'kin na ikaw si KnightInBlack kaya mo ito ginagawa." Mahihimigan ng kaunting pagkainis ang pagkakasabi ko non habang may magkasalubong na kilay. "It's not funny."

Medyo naiinis ako. Pero may natutuwa sa loob ko. Uhg! Baliw!

Makalipas ang ilang minuto ay mukhang hindi narinig ang sinabi ko. Hindi ko alam kung inaasar ba ako nito o sadyang hindi nya lang talaga pinansin agad 'yung mga sinabi ko. "Okay. I'm sorry." Sagot nya na medyo kinakapos pa ng paghinga dahil sa pagtawa. Ngingiti-ngiti nanaman ito. "Sorry." Nag-isang linya ang kanyang labi bago huminga ng malalim. Nagpipigil nanaman sya ng pagngiti.

"Sorry? Pero ganyan pa rin ang view?" Turan ko ng may halong pagtataray. Kaunti nalang at tataas na talaga ang kilay ko sakanya.

Dapat ay magpasalamat na rin ako dahil hindi ako nauutal! Buo ang boses ko. Dapat ko na rin purihin ang sarili ko dahil nakakayanan kong ipalabas na inis ako kahit hindi naman talaga. Darn! Ang cute nya! May ganto syang side. Sexy cute!

Falling. Falling. And falling.

"You don't like it?" Nakataas ang isang kilay na tanong nya.

"I don't like it." Not just like babe. Maygad! "Hindi ka macho. So stop showing the "ribs"." In-emphasize ko 'yung huli para naman makabawi ako.

"Oh? Parang kanina.." Anito habang kinukuha na ang phone na naging ka-level na ng mukha nya.

"Anong kanina?" Tanong ko.

"Itinapat mo 'yong phone mo sa upper chest mo. Hindi ko din nagustohan 'yong view. Parang gulong na walang hangin." Inosente ang pagkakasabi nya pero alam kong iba ang nasa isip nito.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon