Chapter 36 (First Half)

306 19 20
                                    

HIS READER



Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar. Medyo malalim na rin ang gabi kaya't ang buong paligid ay nababalot na nang iba't ibang kulay ng liwanag. Masasayang mukha ng mga taga rito ang makikita sa bawat parte ng lugar. Mga nagsasayawan at kwentuhang mga kabataan ang halos nasa dance floor.

Sayawan sa ilalim ng langit na puno ng mga bituin.

Sa isang open field ginaganap ngayon ang Sayawang Bayan para sa Pista dito sa Baranggay namin. Open ang dance floor na napapalibutan ng mga tent na may mga upuan at mesa para sa mga dumalo. May mga makakain at inumin rin para sa halat.


"Mas pinaghandaan yata ngayon." Rinig kong komento ni Kiel mula sa tabi ko. Kagaya ko ngayon ay nililibot din ng mga mata ang paligid.

"Oo nga!" Mabilis na pagsang-ayon ni Ngay na may kasama pagtango. "Ang ganda ng trip nilang sa gilid lang may tent at sa dance floor ay open na. Pretty cool and relaxing ang view." Dugtong nya pa.

"In love yata si Kap! Ang romantic!" Kinikilig pang pahabol ni Kiel.

"Romantic nga, kawawa naman kayo, mga walang date!" Natatawang panunuya ni Kuya sa'min.

Ako, si kuya, si Mae, Kiel at Ngay ay nakaupo sa iisang mesa ngayon. Magkakaharap kami dito mula pa kanina. At kanina pa rin ako nagisa sa mga tanong nila, mula pag-alis nang bahay hanggang dito. Mabuti na lamang at natigil sila.


"Bakit kase pinaalis nyo 'yong nagyayaya sa'kin kanina?" Napapangusong ani Mae.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. "Alam mo Mae, bata ka pa, bawal muna ang ano." Simpleng sagot ko.

"Ano?" Tanong ni Mae.

"Landian." Utas ni kuya tyaka ininom 'yung iced tea nya. "Anong klaseng party ba 'to? Wala 'man lang alcoholic drinks." Mahinang dugtong pa nito.

"Seriously? May mga bata dito kuya." Ani Mae.

"Yes, you." Pagbaling dito ni kuya na nakangisi. Moody.

"Sayaw nalang tayo kuya Rome!" Ani Kiel sabay lingkis sa braso ni kuya.

"Bitiwan mo ako Kiel! Kadiri nito!" Ani kuya habang tinatanggal 'yong pagkakakapit ni Kiel sa braso nya.

"Choosy." Komento ni Kiel tyaka inalis ang kamay sa braso ni kuya at humalukipkip. "Nasaan na ba kase si kuya Kib?" Nagniningning ang mga matang binalingan ako nito.

"Oo  nga! Omg! Ate! Sasayaw ko si kuya Kib! Omg! Iiih! Yayayain ko sya!" Kinikilig na sabi ni Mae.

"Me too! Me too!" May kasamang pag-irit din na sabi ni Ngay.

"Ako ang naunang nagtanong! Kaya ako ang una! Ano ba?" Pagkontra ni Kiel do'n sa dalawa.

"Kami ang babae kaya don't us, KU-YU Kiel." Umiikot ang mga matang ani Mae na binigyang diin pa ang kuya.

"That's right! Tumabi ka muna Kiel." Segunda pa ni Ngay.

"Mga flat! Tahimik!" Ani Kiel na may magkasalubong nang kilay. "Eh nasaan ba ang Kib?" Muli ay tanong nito.

"Hindi kami flat." Ani Ngay.

"Oh? Patingin?" Mapang-inis na sabi ni Kiel.

"Ew! Tibo ka na!" Komento ni Mae.

"Ang dadaldal nyo, as if naman isasayaw kayo no'n." Side commemt ni kuya. "Nasaan nga ba 'yang manliligaw mo Rory?" Tanong nito sa'kin.

"Dunno." Simpleng sagot ko.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon