"Oh Sungit, bakit nakatulala ka yata diyan? Mukhang hindi ka na nanonood ng TV ah. Nagsasayang ka lang ng kuryente eh." Narinig kong sabi sa akin ni Yabang. Tumabi siya sa akin sa sofa kung saan ako nakaupo.

=___=+ Kung kailan ako naging mabait sa kanya, saka pa niya ako tinawag na Sungit. Bilang ganti, lantaran ko naman siyang tinatawag na Yabang. O, quits lang diba?

"Wala.. May iniisip lang ako." Sagot ko sa kanya habang nakatuon lang ang atensyon sa TV. Nanonood nga pala ako ng Eat Bulaga.

"Ako ba iniisip mo?" Sabi ni Yabang na may nakakalokong ngiti.

Agad-agad akong napatingin sa kanya at tiningnan siya ng isang di makapaniwala look.

"Masyado ka namang feeling! Tss. Yabang. Kapal ng mukha." I rolled my eyes at ibinalik ulit ang atensyon sa TV.

Tumawa lang siya sa naging sagot ko.

"Ilipat mo nga yan sa Showtime. Naman eh. Ang boring kaya niyan." Reklamo ni Yabang

"Edi wag kang manuod! Umalis ka dito! Tsss." Walang-lingon na sabi ko sa kanya. Nakatuon lang ang atensyon ko sa TV.

"Ilipat mo na! Sige na!!" Niyuyugyog na niya ako. Aisssh! Parang bata!

"Ayoko nga sabi eh! Huwag mo nga akong hawakan!" Tinulak ko siya palayo sa'kin.

"Akin na nga yan!"

"H-hoy! Anong ginagawa mo!" Nagulat ako dahil bigla niyang inagaw ang remote control na hawak-hawak ko.

"Ililipat ko ng channel. Gusto kong manood ng Showtime."

Sinubukan kong kunin sa kanya yung remote. "Ako ang nauna dito eh! Huwag ka ngang epal!"

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now