Wakas

19K 567 146
                                    

Wakas - Confession


Nakapikit ako habang nilalagam ko ang malamig na hangin na sumasampal sa aking mga pisngi. Huminga ako nang malalim nang ako ay napatingin sa kabubuohan ng Leam University kung saan ako ay nakatayo sa isang lugar na dinala ako ni Bryl noon.


Natapos na ang digmaan. Nanalo ang mga Mages sa labanan. At sa ngayon ay napilitan na ng mga Witches na makikipag-isa sa mga Mages kung saan ay nagpirma ng kasulatan ang Mahal na Prinsesa nila na sumasang-ayon na makikipagsunduan sila sa amin.


Masaya ako sa nangyari at naging malungkot din. Noong nakaraang linggo, ginawa ang funeral ni Prinsipe Patrick at ang ibang mga mandirigma na nawalan na ng buhay. Masakit dahil marami ang namatay ngunit masaya na din dahil naligtas ang karamihan.


Isang buwan na ang lumipas no'ng nagpaalam na si Papa sa amin ni Mama. Si Mama naman ay todo iyak sa pag-alis ni Papa kaso wala siyang magawa dahil kailangan na niyang umalis.


"I love you. Mahal na mahal ko kayo, Auburn at Aubrey. Tandaan niyo na nandito pa rin ako magbabantay sa inyo", pagsasalita ni Papa nang tuluyan ng mawala ang kanyang katawan sa aming harapan at naging rukh na ito at lumipad na sa langit.


Masakit ngunit kailangan tanggapin. Sa maliit na oras ay naramdaman ko ang pagiging ama ng aking ama sa akin. At masaya at kuntento na ako.


Sa mga oras na bumagsak ako sa lupa nang matapos na ang enchantment, agad namang dinakip ni Mama ang Prinsesa ng mga Witches—Ann. Ann ang kanyang pangalan ayon ni Mama. Humingi siya ng tawad ngunit kailangan siyang ikulong sa kulungan bilang kababayaran at kailangan magdusa sa loob nito.


Mas pinili man ni Princess Ann ang mamatay kaso hindi sumang-ayon ang mga Elders sa kanyang desisyon sapagkat maari pa siyang magbago at makapagbagong buhay. Totoo naman iyon. Pinili din ng mga Witches na makipag-ugnayan sa amin upang mabuhay nang mapayapa.


"Ayoko nang magdusa pa! Tanggapin niyo na kami!"


"Parang awa na, Haring Solomon ng Mages. Patawarin niyo na po kami"


"Gusto naming magbagong buhay. Ayaw ko na sa mapait at walang kulay na pamumuhay."


Naalala ko ang mga sinasabi ng mga Witches no'ng natapos na ang digmaan. Ngumiti naman ang Mahal na Hari sa narinig niya at hindi na nagdalawang isip na tanggapin sila. Ang mga Witches ay isang pamilya ng mga Mages kung saan ay lumalakbay sila sa maling daan at kailangan namin silang tulungan—'yan ang sabi ng Mahal na Hari sa mga Mages na hindi sang-ayon sa alliance ng dalawang tribo.


"Aubrey-neesan!"


Napalingon naman ako sa aking likuran at biglang sumulpot si Peri sa aking mukha. Napatawa naman ako at agad siyang kinuha. "Akiro?", banggit ko sa pangalan ng bata. "Oh, bakit ka naparito?"


Humihingal pa ang bata at tumingin sa akin. "Tinatawagan ka na ng mga kaklase mo. Magpe-preparw na daw kayo. Malapit na magsimula ang piging.", sabi nito sa akin.

Leam University : School for Mages | REVISINGМесто, где живут истории. Откройте их для себя