Chapter 1

50.2K 1.2K 303
                                    

Chapter 1 - Mystery 



AUBREY MAE CLARK



"Aubrey! Putangina mo talaga!"


Huminga ako ng malalim dahil sa pagsisigaw ng isang lalake sa aking likuran. Naglalakad lang naman ako rito upang pumasok sa una kong klase at kaaga-aga at ito na kaagad ang bumugad sa akin. Now, I have everyone's attention like what the hell. 


Nang naramdaman ko ang suntok niyang paparating sa akin ay kaagad akong umiwas patungo sa kanan at humarap sa lalakeng sumisigaw habang mariin kong hinawakan ang kanyang kamay. May isang lalakeng nasa kanyang kiliran, kasama niya ata. Hindi talaga ako titigilan ng mga gagong 'to.


"Pwede bang tumigil ka na, Brandon? Nakakairita na e. Kaaga-aga," wala sa sarili kong pagsasalita habang walang emosyon na nakatingin sa kanyang mga mata.


Agad namang kumunot ang noo niya, hindi nawiwilihan sa aking sinabi.


"Walang hiya ka talagang babae ka! Dahil sa 'yo nabasa 'yong damit ko kahapon!" Paninigaw niya at tinabi ko naman ang kanyang kamay pababa at binitawan na ito. Galit ito sa akin. Hindi ko naman sinasadya na tapunan siya ng juice sa caferia habang siya ay nanghaharana sa isang babaeng nililigiwan niya.


Tatalikod na sana ako ay bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking collar at hinila ako pataas. Napalunok ako ng ilang ulit, tila nawawalan ng hininga dahil iniipit niya ang aking lalamunan.


"Ibaba mo ako, Brandon," seryoso kong pananalita sa kanya habang sinamaan siya ng tingin. Ngumisi lang ito sa akin at hindi ginawa ang sinabi ko. Napabugtong hininga na muli ako.


"Ibaba? Ayaw ko nga. Gusto kong maghigante sa ginawa mo sa akin kahapon," nakangisi niyang sambit na tila parang nawiwilihan siya sa ginagawa niya sa akin at nakita akong nahihirapan sa ginawa niya. Maliit lang ako na babae kaya hindi mahirap para sa kanya na ihila ako pataas.


Ngunit maliit nga ako pero hindi ko hahayaang may mambubully sa akin.


Sa isang iglap ay agad kong hinawakan ang kanyang kamay at mariin itong hinawakan. I felt my veins popping out of my little arms. Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa ko. Halatang-halata sa kanyang pagmumukha na nasasaktan siya sa aking ginawa.


Pagkatapos ng ilang segundo ay binitawan na niya ang aking collar. Agad naman akong napatalon patungo sa lupa at inayos ang aking uniporme. Hindi niya maialis ang masamang tingin niya sa akin. Hindi ko na iyon pinansin. He's not worth the attention.


Napailing-iling na lamang ako at hindi na siya pinansin. Patuloy lang ako sa paglalakad nang biglang hinawakan niya ang aking braso kaya lumingon nanaman ako muli.


I have no time for bullshits.


"Hindi pa tayo tapos, Aubrey!" Sigaw niya at aakma na sanang sisipain ako.


Hindi sila titigil? Pwes.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now