Chapter 7

20.5K 602 141
                                    

Chapter 7 - Mini-djinns

AUBREY MAE CLARK


Napapikit ako sa aking mga mata nung nakaramdam ako ng sobrang pag-init ng aking katawan. Natatakot ako sa nangyari. Basta, natatakot ako. Hindi ko alam basta natatakot ako. Parang nahuhulog yung katawan ko habang wala akong nakita na kahit ano kundi itim lamang.


Huhuhu. Asan na ba kami? 


Nabigla ako nung bigla akong napabitiw sa paghawak ng isang kamay sa akin left na side. Patay! Anong gagawin ko?!


"Emy?! Asan ka?!", sigaw ko ngunit wala akong narinig na isang sagot galing kay Emy. Mas lalong nagbigat yung paghinga ko dahil bigla lang siyang bumitiw sa paghawak ng aking kaliwang kamay. 


Mas lalo kong hinigpitan ang paghahawak ng kamay na nasa right side ko at baka mapahiwalay ako sa taong ito. 


Teka nga, sino nga pala yung katabi ko ngayon?


Natatarantar na ako at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari, bigla kong ibinuka yung mga mata ko habang napahigpit ako sa paghahawak ng kamay na nasa kanan ko.


Bigla kaming nahulog at hindi ko makita ko sino yung kasama ko. Naging blurry ang lahat and everything went black.


"Aubrey! Aubrey! Aubrey!", dahan-dahan kong iminulat yung mga mata ko at nakita ko si Bryl na nasa harapan ng mukha ko. Nanlaki yung mga mata ko sa gulat at napaupo ako at napaatras.


Napatingin ako sa paligid at parang nasa isa kaming kuweba na kulay pula at may mga apoy sa gilid nito. Ito ba ang itsura ng isang dungeon? Nakakatakot ang itsura nito at mas lalo akong kinakabahan. Baka hindi na ako makauwi ng buhay nito.


Napatingin naman ako kay Bryl na kanina lang nakatingin sa akin, wearing his famous pokerface. At nanlaki yung mga mata when a realization hit me. "Teka! Asan sina Emy? Sina Ma'am Michi, asan?!", napasigaw ako at lumapit si Bryl sa akin at inaalalayan akong tumayo.


"Nagkahiwalay-hiwalay ata tayo.", sabi niya habang napatingin siya sa aming paligid. "I think we are inside of a maze.", dagdag niya at nagsimulang naglakad at agad naman akong sumunod sa kanya. 


"Huy wag mo akong iiwan!", sigaw ko sabay takbo patungo sa kanya.


Ngayon ko lang narinig na nagtagalog siya. 


Marunong palang magtagalog ang tanga, english pa ng english. Nakasimangot naman akong sumunod sa kanya habang hindi pa rin nawawala sa sistema ko ang kaba na aking nararamdaman. At sa lahat ng tao, bakit si Bryl pa ang nakasama ko? Ang malas ko kasi eh. Nakasama ko pa 'tong masungit na 'to.


Napahinto ako sa paglalakad nung huminto siya at sinamaan ng tingin. "Can you close your mind? I can hear everything, you know", sabi niya sa akin at dinalaan ko na lang siya habang sunod pa rin ako ng sunod sa kanya.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now