Chapter 41

14.3K 433 30
                                    

I want to clear the misunderstanding kung paano ba ipronounce ang title ng story. It is pronounced as Lim, not Le-yam. And therefore it is Leam (Lim) University, Ara-shō? You will found out soon kung ano talaga ang ibig sabihin ng Leam University pero hindi pa ngayon. Happy reading, everyone!


***


Chapter 41 - Master Leo


AUBREY MAE CLARK


Ang bigat ng katawan ko, hindi ko ito maigalaw at ang sakit ng ulo ko. Hindi ko mapaliwanag ang sakit na nararamdaman ko na tila parang binubugbog ito ng paulit-ulit.

Gusto kong ibuka ang aking mga mata ngunit ang hirap, parang naparalyzed yung buong katawan ko. I want to fight back against this pain and I want to see the light.


Pilit kong ibinuka ang aking mga mata at dahan-dahan ko na nakita ng liwanag. Parang may relief akong nararamdaman sa aking sarili nung nakayanan kong ibuka ang aking mga mata. At ang nakakapagtataka lang ay may narinig akong nagsisigaw.


Boses ni Bryl.


"Anong magagawa mo sa 'sorry' mo?! What can your damn sorry can do about what happened?! Diba wala?! Wala! Walang magagawa ang sorry mo! You can't patch things together with your damn sorry! You can't heal Aubrey with your apology, fool!"  

Anong ibig niyang sabihin? 

Nung naibuka ko na yung mga mata ko ay napatingin ako sa paligid. Nandito ako sa hindi pamilyar na lugar at pilit akong bumangon at umupo sa aking kinahihigaan. Hindi ko mapigilang kinakabahan dahil sa  nakikita ko. Sumisigaw si Bryl habang nakatingin kay Kuya Khervee.

Nag-aaway ba sila?

"That's enough, Bryl!", sigaw naman ni Sir Roi at napatahimik si Bryl tsaka umupo pabalik sa kanyang upuan. Gulat ko silang tinititigan. 

"What do you mean?", pagsasalita ko. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi ni Bryl. Anong ibig niyang sabihin sa You can't heal Aubrey with your apology, fool! ? Hindi ko na sila maiintindihan.

Fresh na fresh pa rin sa aking utak ang nangyari sa akin nung araw na nagtaksil ang isa kong kaibigan na si Camille sa amin. Hindi ko pa rin siya maiintindihan kung bakit niya yung ginawa sa amin. Akala ko kaibigan nila kami, bakit na kayanan niyang saktan kami?

 Napatingin silang lahat sa akin nung nagsalita ako. Kitang-kita ko sa mga mukha nila ang bakas na pagkagulat at pag-alala sa akin nung nakita nila na nakaupo ako sa isang kama. 

May tatlong mukhang parang ang pamilyar. Yung tipong parang nakita ko na sila pero hindi matatandaan kung asan at kailan yun nangyari. Bigla lang sumakit ang ulo ko nung pilit ko itong inaalala.

"Aubrey!", sigaw nilang lahat at nagtakbuhan ang aking mga kaklase patungo sa akin. Napangiti naman ako sa kanila at napahinga ako ng maluwag dahil nakita ko na maayos lang ang kalagayan nila.

"Okay ka lang? May masakit ba sa katawan mo?", nag-alala na pagsasalita ni Miles.

"Thank God, gumising ka na!", sigaw naman ni Mai.

"Leche kang babae ka! Hindi ko makakatulog sa kakaisip sayo! Pinapaalala mo kami, leche ka!", naiiyak na pagsasalita naman ni Emy. 

Leam University : School for Mages | REVISINGWo Geschichten leben. Entdecke jetzt