Chapter 53

11.7K 348 31
                                    

Chapter 53 - Forbidden Books


AUBREY MAE CLARK


Napahawak ako sa aking kamay na duguan ko at pilit kong isinara yung sugat ko gamit ang tubig na elemento habang tumatakbo kami at sinusundan yung ibong kulay pula.


Napatigil ako at tumingin sa paligid habang hinahabol nila yung ibon. Sinundan ko ng tingin ang ibon at bigla lang itong lumipad ng mas mataas.


"Leche! Asan ba yan pupunta?!", sigaw ni Dranreb at nagcast siya ng gravity spell upang lumipad ang kanyang sarili. Sinundan nila ito habang ako naman ay natira sa baba.


Nakaramdam ako ng 'tilang pag-iinit ng aking katawan, yung tipong parang nakakapaso ang aking balat. Nakita ko ang pag-uusok nito. Dahil sa init nito ay parang gusto ko ng maligo ng yelo. Napabugtong hininga ako at ang bilis ng tibok ng puso ko. Mas lalong bumilis ang aking paghinga at ramdam ko na nababasa na yung mukha ko sa pawis.


Umiling ako. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam nito ngunit kung ano man ito, hindi dapat ako magpapatalo. Huminga ako ng malalim at sumunod sa kanila. Sinundan pa namin yung ibon patungo sa ika 5th floor ng library


"Dito! Dito siya dumaan!", sigaw naman ni Emy nung nakaapak na kami sa ika 5th floor. Sinundan namin si Emy at bigla kaming napapasok sa isa pang kwarto. Sinira ni Miles ang pintuan nito at agad kaming pumasok doon. 


RESTRICTED AREA


Ito agad ang bumugad sa aming harapan nung pumasok kami. Mas lalong bumilis yung paghinga ako at napabagsak ako sa sahig. Ramdam na ramdam ko ang pagkapagod sa aking katawan.


"Aubrey!", sigaw ni Mai at lumapit siya sa akin. "Ayos ka lang? Bakit naging maputla yung mukha mo?", dagdag niya na may batid na pag-alala sa boses nito.


Tumango ako at ngumiti. Napatingin naman ako sa ibon na kanina lang nakatingin sa akin habang lumilipad pa rin ito. Nakatitig ito sa akin at kitang-kita ko ang aking repleksyon sa kanyang malacrystal na itim na mga mata.


"Sorry, Hara. Don't worry, I will go back to you."


Nagulat ako nung nagsalita ito sa aking isipan. Isang mabaho, mabigat at panglalake na boses ang aking narinig. Yung tipong parang ang sarap nito dinggin. Bigla siyang lumipad patungo sa aking kamay at agad ko naman iyun sinalo. Naging dugo ito at nag-absorb ito sa aking mga kamay.


Nabigla ako nung naging magaan yung katawan ko nung nawala na yung paghahabol hininga ko.


"Ilang taon na ako dito sa Kuro Tribe nakatira ngunit ngayon ko palang nalaman kung asan nila inilagay ang restricted area.", pagsasalita ni Charles habang iginala-gala niya ang kanyang tingin sa paligid. 


"Asan nga ba ang libro ni Lady Clara? Ano ang itsura nito?", pagsasalita ko naman at tumayo.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now