Chapter 33

16K 449 101
                                    

Dedicated to @btsarmyvivi dahil nilibre niya po ako kahapon. Aweee~ Thankyou sa foods, Camille~ Hanggang sa susunod. Labyu! Happy reading everyone!


**


Chapter 33 - Tsundere


EMY MARVILLA GARDNER


"Oh ito ang order ng Table 13", pagsasalita ko habang inilapag ko yung tray na may pagkain dun sa may lamesa at kinuha naman agad ito ni Kuya Khervee. "Mia, two cups of coffee and pancakes, please!", sigaw ko sa ginawang clone ni Mai at tumango naman siya.


Nagpeprepare ako ng mga tasa at plato habang nagluluto ako ng pancakes. Habang nagluluto ako ay may naobserbaran ako kay Aubrey, mukhang matamlay siya.


"Two choco cupcakes and two vanilla sundae for Table 19, please", matamlay na pagsasalita ni Aubrey at napakunot naman ang noo kong nakatingin sa kanya.


"Okay ka lang? O may lagnat ka?", tanong ko sa kanya at namilog naman ang mga mata nito na parang nagulat sa tanong ko. "Ang tamlay mo, may nangyari ba?", dagdag kong tanong at ngumiti ito sa akin.


"Okay lang ako, Emy. Salamat sa pag-alala.", sabi niya kaya napabugtong hininga naman ako. Alam kong hindi kondisyon yung katawan niya. May lagnat kaya yun?


Agad ko naman akong nagprepare sa order na ibinigay ni Aubrey sa akin. Habang nagpeprepare ako ay nakatingin pa rin ako kay Aubrey nila parang binabantayan ko siya. Nag-alala kasi ako sa kanya eh. Paano na kung ano ang mangyari sa kanya?


Kanina pa kami andito sa aming booth at naghihintay na kami kung kelan matapos yung pagmamasyal nina Mai at Dranreb dun sa ibang booths. Gusto ko ng ako nanaman yung maglalaro. Ahihihi. Leche lang ay si Miles yung makasama ko. Tse.


Nung inilagay ko na yung dalawang choco cupcakes dun sa may tray ay may narinig akong isang tunog, tunog ng isang ahas. "Hiiiiiiiiiiiiiisssssssssss. Hiiiiiiiiiiisssssssssssssss" 


Agad akong napalingon-lingon sa paligid at hinahanap ko kung asan ang tunog galing. May ahas kaya dito sa loob ng booth namin? Sht!


"Aubrey!", sigaw ko.


Agad akong napatingin kay Aubrey dahil yung tinig ng ahas ay patungo sa kanya. Agad akong tumakbo at bago pa man akong nakalapit sa kanya ay tumalon na yung ahas patungo kay Aubrey.


"Araaaaaaay!",sigaw ni Aubrey nung bigla siyang kinagat ng isang puti na ahas na may kulay pula na mga mata. Agad kong kinuha yung walis at pilit ko itong hinahampas sa ahas ngunit nakatakas ito.


"Anong nangyari?!", sigaw ni Kuya Khervee at napalingon ang lahat ng tao na nasa loob ng cafe sa amin. Napaupo si Aubrey habang hinahawakan niya yung paa niyang kinagat ng ahas. Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan yung paa niya. Sinumulan ko namang kinuha yung lason na nasa sugat niya.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now