Chapter 3

28.7K 883 496
                                    

Hello folks! Just to inform you, mag-uupdate po ako araw-araw dahil summer ngayon! HAHAHA. And this chapter is dedicated to @Gwenniyahh dahil sa supporta at excited na excited talaga niyang basahin ang chapter na to! I hope you will keep supporting Gwen! Ate Ayreish loves you always! HAHAHA.


-


Chapter 3 - Class END


AUBREY MAE CLARK


Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari! Jusko po! Hindi ko po talaga alam!


"H-Hindi ko alam. Hindi ako sinabihan ng mga magulang ko.", pagsasalita ko habang nakatingin ako kay Camille na nagulat din sa aking sinabi.


"HAH? P-Paano ka maqualify dito kung hindi mo alam kung ano ang element na magagamit mo?", tanong naman niya sa akin kaya napayuko ako. Wala talaga akong alam nito. Akala ko, ordinaryong paaralan ang Leam University.


"Hindi ko talaga alam.", mahina kong bulong.


"Kung hindi mo alam, baka mapunta ka dun sa Class E.", nag-alalang pananalita ni Camille habang naguguluhan naman ako. Class E?


"Huh?"


"Pati yun di mo alam?", napaface palm naman siya. "Students here are divided into 5 classes, Class A, B, C, D and E. Yung nasa Class A ay yung mga high class na mga estudyante at mga matalino at malakas yung mga powers nila. And mostly sa mga estudyante dun ay sinasamba na sa ibang mga estudyante dahil malakas sila. Sa Class B naman ay nakasunod sa Class A. Matalino din sila ngunit kulang sila sa mga physical activities. Sa Class C naman ay mga puro malakas sa physical ngunit mahina yung Element Powers nila. Sa Class D naman ay puro average pero kailangan pa ng training. At ang pinakamalupit ay yung nasa Class E. Also known as "CLASS END". Sila yung mga taong wala talagang alam sa mundo ng mga mages and mostly of them are galing sa mundo ng Ningens", pag-eexplain ni Camille sa akin at naguguluhan na talaga ako.


"Anong ibig sabihin ng Ningens?", pagtatanong ko.


"Ningens or humdrums are what we called ordinary humans. Ang nakapait dun sa Class END ay ang mga estudyante doon ang pinakamalaki ang responsibilities sa school. They mostly go to dungeons for their tasks. At yung task na yun ang pinakamahirap sa lahat ng task. At sila maunder din sila sa pinakaworst teacher dito sa campus, si Miss Michi. Napakaterror ng teacher na yun. Sabi ng mga seniors na galing sa Class E ay napakaterror daw siya pagmagtuturo. I hope hindi ka mapupunta sa Class END.", mahina niyang bulong at kinalibutan naman ako sa sinabi niya. Ayokong mapunta sa Class END. Ayoko!


"A-Anong gagawin ko?", nauutal kong tanong sa kanya at napabugtong hininga na lamang si Camille. Nanlamig na talaga yung buong katawan ko sa takot. Waaaah!


"You have to train yourself if you want to know what your element is and it requires time and effort.", malungkot niyang pagsasalita.


"NEXT!", napastraight body naman ako nung biglang may sumigaw. Agad naman akong lumingon sa taong iyun at laking gulat ko ay nasa unahan na ako ng linya.

Leam University : School for Mages | REVISINGTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang