Chapter 42

14K 446 114
                                    

Chapter 42 - The Blue Cat


AUBREY MAE CLARK


Ang lakas ng kabog ng aking dibdib na tila parang sumasali ako sa isang marathon dahil sa kaba na aking nararamdaman. Gusto kong tumago. Hindi ko alam kung bakit. Kinakabahan ako. Hindi pa ako nakaexperience na kabahan ng ganito sa isang labanan.


Pilit akong tumayo habang nagniningning na ang aking mga paa, tila parang nanghihina ang buong sistema ko ngunit pilit ko itong nilabanan. Ayokong maging pabigat sa kanila ngayon.


Sumugod na agad sina Dranreb at Mai patungo sa isang golem at hinampas nila ito ng staffs nila na may naggoglow na parang  bola sa tuktok nito. Malakas nila itong hinampas muli.


Hindi pa rin ako makagalaw habang nakatayo ako sa gitna nila. Nakatingin ang mga golems sa akin at parang naattract sila sa presensya ko.


"O pnévmata neroú, sas diatázo, págose óla ósa vlépete!", pagsisigaw ni Emy at biglang naging yelo ang mga golems. Kita ko ang bakas na pagkangisi ni Emy habang nakalutang siya sa hangin. Napakagat labi naman ako. Gusto kong tumulong.


"Aubrey, don't you ever use magic. Please lang.", pagsasalita ni Sir Roi na nakatalikod sa akin. Napaiwas ako ng tingin at yumuko. 


"Yes Sir.", mahina kong bulong.


Hindi ako pwedeng gumamit ng mahika sa ngayon dahil mas lalong nanghihina ang katawan ko pagginamit ko ito ayun ni Elder Mokz. Kailangan ko daw munang maghold in at umiwas sa paggamit ng mahika kung gusto ko pa daw mabuhay.


Napabugtong hininga naman ako. Biglang sumulpot si Dranreb dun sa  isang golem at malakas niya itong sinipa. Nacrack din ang yelo ngunit hindi nawasak ang mukha ng golem. Napaatras naman kami agad nung biglang nawala ang yelo sa katawan ng kalaban at nagsimula itong gumalaw.


Parang naglilindol sa bawat tapak na ginawa ng mga golems. Papunta sila sa amin, papunta sila sa akin. Napakunot ang aking mga noo habang nakatingin sa mga golems na yun. 


"Sht.", mahinang bulong ni Bryl at bigla siyang tumalon at napalutang siya sa hangin. Nakakunot noo siyang nakatingin sa mga golems at bigla niyang initaas ang kanyang staff. Huminga siya ng malalim at napapikit sa kanyang mga mata. "ékrixi!", sigaw niya at biglang may sumabog sa mga mukha ng golems.


Nung nawala na yung usok sa mukha ng golems ay laking gulat namin na hindi ito nakatanggap ng damage. Mas lalong bumigat yung dibdib ko.


"This is impossible. This ain't Class A monsters! This is Class S!", sigaw ni Miles habang iniescan niya yung lugar gamit ang sixth sense niya. Sht!


"What?!", sigaw ni Mai at ramdam na ramdam ko ang bakas na pagkatarantar sa kanyang boses. "Anong gagawin natin?!"


"They are Class S Monsters but we are also Class S Mages. It's too early to give up, fools", pagsasalita ni Bryl.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now