Chapter 35

16K 453 28
                                    

This chapter is dedicated to @Pauxxlcr dahil feel ko lang na idedicate ka. HAHA. I hope you will still support this book 'til the end! Thanks! Happy reading everyone!


***


Chapter 35 - The Threat

AUBREY MAE CLARK


Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at bumugad agad ang puting dingding sa aking mukha. Bumalot ang katahimikan sa buong kwarto at napatingin ako sa paligid ko.


Nandito nanaman ako sa clinic. Ano ba ang nangyari?


Napayuko naman agad ako nung naalala ko yung nangyari. Oo nga pala, nahimatay nga pala ako nung namasyal kami ni Bryl kanina. Psh, panira naman talaga ako eh.


Agad naman akong napatingin sa left leg ko na kinagat ng ahas at laking gulat ko ang nangingitim ito. Nanigas ako sa kinauupuan ko habang tinititigan ang paa ko na naging kulay itim. Hindi ako makapaniwala.


Hindi naman sa sabi na masakit ito ngunit naging pitch black yung kulay ng parte ng balat na kinagat ng ahas. Dun sa may bandang calf and kneecap. Hinawakan ko ito ngunit wala naman akong naramdaman na kakaiba. Same pa rin yung texture ng aking balat pero bakit nagpinta itong kulay itim.


Kinakabahan ako na ewan. Agad naman akong napailing. Hindi, mawawala din ito. Tiwala lang. Napatingin ako sa paligid at may kinuha akong bandage upang ilibot sa akong paa. Ayokong mag-alala sila sa akin dahil nito. Mawawala din ito, diba?


Inilibot ko yung bandage sa aking binti at initinali ko ito at bumangon. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa aking katawan eh. This is damn weird.


Tumayo naman ako at napatalon talon. I feel normal and my body doesn't feel anything bad. Baka mawawala lang din ako. Pupunta nalang kaya ako sa aming room baka andun na sila? Mukhang gagabi na at sigurado akong sarado na yung cafe namin.


Naglalakad naman ako sa halls at tanging mga estudyante lamang ang aking nakikita. Mukhang wala na ang mga bisita. Ngunit ang nakakapagtataka ay nakatingin ang mga estudyante sa akin na parang kakainin na nila ako. 


"Peri~ Peri~", napalingon ako sa kiliran at nabigla ako nung nakita ko si Patrick na kasama si Peri.


"Yah! It's been a long time, Aubrey-neesan!", sabi ni Patrick sa akin at napangiti naman ako sa kanya. Leche 'tong batang ito, bigla nalang nawala eh at hindi man lang siya nagpaalam sa amin.


"Oh? Nakabalik ka ata? Tsaka bakit nasa sa iyo si Peri?", tanong ko sa kanya at napasimangot naman siya. Naglalakad lang kami habang nag-uusap.


"Tch. Hindi mo man lang ako batiin ang aking pagbabalik?", nakasimangot niyang pagsasalita at napatawa naman ako sa sinabi niya.


"Hindi. Hindi ka man lang kasi nagpaalam sa amin nung umalis ka eh.", kunwaring nagtatampo ako sa kanya at napaakbay naman siya sa akin. Kahit na fourteen anyos pa 'tong batang ito, mas mataas pa siya sa akin.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now