Chapter 58

12.5K 357 48
                                    



Chapter 48 – End of The World


AUBREY MAE CLARK


Napalunok ako no'ng nalaman ko na lamang na lumagpas na kami sa aming mga kalaban. Napatingin ako sa paligid ko at halo-halong mga emosyon ang aking nararamdaman. Hindi ako mapakali, gusto ko ng tumakas dito at tapusin ang lahat ng ito.


Lumingon ako sa aking likuran at sa 'di kalalayuan ay nakita ko ang mga taga-Class A kasama sina Elder Marjuri sa pakikipaglaban laban sa ibang mga Witches. Napabugtong hininga ako at muling tumingin sa aming dinadaanan.


"Brandon at James, malapit na ba tayo?", pagtatanong ko habang tumatakbo. Tumango naman silang dalawa sa aking sinabi.


"Camille! Khervee! At Charles!", pagsisigaw ni Mairym habang kinakaway niya ang kanyang kamay. Napakunot naman ang noo ko at napatingin sa direksyon iyon. Hindi naman gaanong klaro na sina Camille iyon ngunit sa postura at pagtatayo nito ay malalaman mo na sila 'yon.


Ang talas talaga ng ng paningin ni Mairym. As expected from a person with vision enhancing sixth sense.


"Bilisan na natin.", pagsasalita naman ni Brandon. Sumunod kami sa kanya at lumiko. Asan ba kami pupunta? Diba nandoon lang sina Camille sa kasalungat na direksyon?


"Asan tayo pupunta?", pagtatanong naman ni Dranreb na nasa kiliran ko.


"Witches are near us. Kailangan nating magtago muna.", sagot naman ni James.


Lumiko kami ng direksyon at napapunta sa isang maliblib na parte ng gubat. Napatingin ako sa kalangitan at unti-unti ng nagpupula ito na dulot sa paglakas ng kabog ng puso ko.


Sht. Eclipse.


"Master CJ, nandito na po kami", pagsasalita ni Brandon sa kanyang device na gamit sa pakikipagkomunikasyon.


Napatingin-tingin ako sa paligid. Unti-unti ng dumidilim, mas naging malakas ang ihip ng hangin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakikiramdaman ko. But I got a bad feeling about this. Napakunot na lamang ang aking noo dahil napansin ko ang paglaya ng mga dahon ng mga puno.



"Camille!", napukaw ako galing sa pag-oobserba sa paligid no'ng sumigaw si Emy.


Biglang sumulpot sina Camille, Khervee at Charles sa aming harapan. May suot silang itim na kapa at hood. Nakangiting bumati si Camille sa amin.


"Maligayang pagkita, mga kaibigan.", sabi ni Camille.


Ngumiti ako sa kanya. Leche 'tong babaeng 'to. Miss na miss ko na siya. Pagtangkahan pa kaming traydurin. Grr.


Leam University : School for Mages | REVISINGUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum