(Even though this is a filler chapter, this is also connected to the plot. Read each word closely. )
Chapter 16 - Other's Point of View
EMY MARVILLA GARDNER
Halo sa inyong lahat! Kilala niyo po ba ako? Ako si Emy Marvilla Gardner, isang magandang dalagita na marinig ang kahit anong ingay sa loob ng 200 meter radius ko. Kahit napakamahinang bulong ay maririnig ko kaya humanda kayo. HAHAHAHAHA
At dahil maganda ako, meron akong point of view ngayon. At last! Makikita niyo na din kung gaano ako kaganda! Bwuahahahaha.
*clears throat*
Napabugtong hininga na lamang ako habang nakatingin ako sa bintana ng classroom namin. Hindi ko mapigilang mag-alala para kay Aubrey. Dalawang araw na siyang tulog at hindi pa siya nakagising.
"Huy Emy, puntahan natin si Aubrey mamaya ah?", sabi ni Mai sa akin at napatingin naman ako sa kanya at inarapan siya.
"Kahit hindi mo sasabihin sa akin ay pupunta naman talaga ako. Tss.", sabi ko sa kanya at sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Wag mo nga akong tarayan! Hindi naman bagay sayo eh", pagsasalita ni Mai at hindi na niya ako pinansin.
Haba ng hair niya ah! Edi hindi ko din siya papansinin.
Ganito na talaga ako. Baliw na engot na maldita. I can't blame you people to hate me. Ganito lang talaga ako at wala na akong pake sa mga opinyon niyo!
Natapos na ang aming klase ngayon at napakaboring ng buhay dahil walang harutan at walang tawanan ang marinig mo dito sa room namin ngayon. Lahat kami ay nag-alala kay Aubrey.
At sa loob ng dalawang araw na wala si Aubrey sa klase ay hindi ko talaga narinig na umimik si Bryl. Pati si Dranreb ay nawala yung gana niya. Si Camille din ay hindi nagsasalita pag di mo tinanong.
Ako lang ata ang maingay dito eh.
"Huy engot!", agad naman akong napalingon sa isang lalakeng tumapik sa aking balikat. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Mukhang hindi lang ako ang maingay dito.
"Ano?!", pagalit kong tanong sa kanya at nakita ko ang nakakalokang ngiti niya habang nakatingin sa akin at winiwiggle niya yung mga eyebrows niya.
"Ang panget mo", dagdag ni Miles at napatayo ako at binatukan ko siya. Kahit kelan nakakainis talaga ang lalakeng ito. Ang sarap itulak sa bangin.
"Kung wala kang maisabi na magaganda, pwede ka ng lumayas sa room na ito dahil hindi na ako natutuwa sayo", pagsasalita ko ko at nainis na talaga ako sa kanya. Palagi nalang akong inaasar. Baka maisip ko na talaga na gusto niya ako at nagpapasin lang 'tong gagong ito.
أنت تقرأ
Leam University : School for Mages | REVISING
خيال (فانتازيا)University Series # 1 She's Aubrey Mae Clark, an ordinary girl in an ordinary world. She thought that magical things will never exist. She didn't believe in fairy tales, fantasy, magic or things out of ordinary. But when she took a step in a...