Chapter 37

14.6K 454 58
                                    

Chapter 37 - Unexpected Betrayal


AUBREY MAE CLARK


Madilim, masukal at matahimik. Tanging hingal at mga talampakan namin lamang ang aking maririnig sa paligid. Sinusundan namin ang lalaking iyun, yung lalaking nakablack cloak na may nakakamatay na pulang mga mata, yung lalaking nagkidnap ng isa naming kaibigan. Tumatakbo na kami hanggang sa nakapasok na kami sa part na gubat ng campus.


If this is a part of the threat, so that means na yung lalaking iyun ay taga Class A?


Kung pula ang kanyang mga mata so ibig sabihin Red Mage siya? Pero bakit pati yung part na puti ng mata ay naging kulay itim? This is damn weird!


"Damn! Bakit hindi ko magamit yung sixth sense ko?!", sigaw ni Dranreb nung gusto niyang gamitin yung sixth sense niya upang tumakbo ng mabilis.


"Ako din hindi ko magamit yung sixth sense ko! Ano ba ang nangyayari?!", sigaw naman ni Mai na humihingal habang tumatakbo. Napatingin naman ako sa kanila habang sunod pa rin kami ng sunod sa lalaking iyun.


Ibig sabihin, pati sila hindi nila magagamit yung sixth sense nila? Ano ba ang nangyayari?! Hindi ko naiintindihan!


"Try to use magic.", pagsuggest naman ni Kuya Khervee.


"There is no use. Principal Elder Eunel cast a barrier in the campus that forbids students to use magic!", sabi ni Mai habang napakamot siya sa kanyang ulo.


"Sht! Hindi pa ba tapos ang closing ceremony?!", sigaw naman ni Dranreb. Tch! Ano na ang gagawin namin! Pero kung hindi kami makagamit ng magic, ibig sabihin, pati din ang kumag na 'to!


"This isn't right. If the Class A planned this so where are they?", napalingon ako agad kay Bryl nung nabasa ko ang pag-iisip niya. May point siya. "I hate to think about this, but it looks like Camille is my prime suspect", dagdag niya at yung sinabi niya ang kinagulat ko. 


Ano ang ibig niyang sabihin?


Tumatakbo lamang kami at hanggang nakaabot na kami sa kasukdulan ng gubat. Nasa gate walls na kami. Bigla namang tumigil ang lalake sa pagtatakbo at bigla siyang humarap sa amin. Napatigil naman kami sa pagtatakbo, hinahabol ng hininga. Masama kong tiningnan ang lalakeng iyun.


"Camille!", sigaw ko at nagulat ako nung dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. 


"Camille!", sigaw naman ni Kuya Khervee at bigla siyang tumakbo patungo kay Camille ngunit hindi siya makalapit sa lalaking iyun. May isang barrier na nakaharang sa pagitan namin at sa lalaking iyun. "Sht!"


Nanlaki naman ang mga mata ni Camille nung narealize niya na buhat-buhat siya ng lalaking iyun. Nakita ko na nagluluha na yung mga mata niya. "Aubrey, umalis na kayo dito. Iwan niyo na ako", pagsasalita niya sa isipan ko. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin sa mga sinasabi niya?!

Leam University : School for Mages | REVISINGTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang