Chapter 49

13K 437 85
                                    

Chapter 49 - Welcome back 


AUBREY MAE CLARK


"C-Camille", banggit ko sa kanyang pangalan habang hila-hila niya ako. Tumingin siya sa akin at sinamaan niya ako ng tingin.


"Tumahimik ka nga kung ayaw mong mabuking tayo.", mahina niyang bulong. Tumahimik na lamang ako at sumunod sa kanya. Sunod-sunod akong lumunok. Kinakabahan ako na ewan.


Nakatitig lamang ako kay Camille habang naglalakad kami. Hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya. Is she trying to save me? Pero bakit? Itataksil ba niya ang tribo niyo or may iba siyang plano?


Napabugtong hininga na lamang ako. 


Saglit kaming tumigil sa paglalakad. Tumago kami sa isang poste at napatingin-tingin si Camille sa paligid na parang tumitingin siya kung meron bang tao. Bigla siyang tumango at hinila nanaman ako.


Nakalabas na kami sa palasyo. Sunod-sunod akong napabugtong hininga dahil sa kaba na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung ano ang motibo ni Camille ngunit wala na akong dahilan para magpatumpik-tumpik pa. Gusto ko ng bumalik sa Leam University.


"Camille! Dito!", sigaw ni Brandon at napalingon kami sa kanya. Dumeretso naman kami patungo sa direksyon ni  Brandon.


Alam din niya?


"Brandon, mabuti naman at nandito na kayo", sabi ni Camille. 


"Sht! Paparating na ang mga guards!", bulong ni Brandon sa amin habang nakatingin sa aming likuran. Napalingon naman ako ng di oras. Sht.


"Tara na! Bilisan natin!", paninigaw ni Camille at tumakbo na kami. Pumunta kami dun sa may bintana. "Jump!"


Napalunok ako ng di oras. Napatingin ako sa taas ng tatalunan namin. Ang taas nga! Napapikit na lamang ako at tumalon. Nakaramdam naman akong napalutang ako sa hangin. Muli kong ibinuka ang aking mga mata. 


Gravity magic? Bat hindi ko yun naisip?


Hinawakan ni Camille ang kamay ko at hinila ako pababa. Nung naramdaman ko na yung lupa sa aking mga paa ay muli kaming tumakbo.


"Don't use any magic for now. Witches are around us.", bulong ni Camille sa akin habang tumatakbo. Napalunok ako at tumango. Tumingin siya likuran ko. "Brandon! Please lead the way!", sigaw niya.


"Roger that!"


Umuna si Brandon sa amin. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Kaba, takot at excitement. It's been a while since I felt this feeling. Napangisi naman ako.


Sana... Sana hindi ito panaginip.


Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now