Chapter 36

15.7K 448 54
                                    

Chapter 36 - The Grand Ball


AUBREY MAE CLARK


Tahimik kaming lahat at walang nag react na kung ano ano. Kinakabahan ko pero hindi ako sumigaw o kung ano pa man ang gagawin ko.


"They are playing with us. Nakakainis! Ano ba ang gusto nila sa atin?", pabulong na sigaw ni Emy habang napakamot siya sa kanyang ulo sa inis na kanyang nararamdaman.


Kahit sino naman ata ay maiinis sa mga ganito. Hindi ko akalaing magbibigay na naman sila ng isa pang threat sa amin.


Maingay ang paligid dahil sa music ngunit kaming walo ay tahimik lamang. Walang nagsalita sa amin, nakatitig lamang sa death threat na 'to.


"Guys, let's enjoy the party. Wag nalang natin 'to iisipin.", pagsasalita ko na napaputol sa katahimikan habang nakangiti ako sa kanila. Napatingin naman sila sa akin at nakita kong ngumiti si Mai sa akin.


"Oo nga, wag nalang natin 'to isipin. Enjoy nalang natin muna ang party.", sabi naman ni Mai at napangiti naman silang lahat tsaka tumango.


"Give me that paper, Camille.", biglang pagsasalita ni Bryl at napatingin naman si Camille sa kanya na parang na gulat. Inilahad ni Bryl yung kamay niya at nakita ko sa mga mata ni Camille na parang natatakot siya sa pag-aasta ni Bryl sa kanya.


Kahit kailan. Psh.


Ibinigay naman ni Camille yung papel na may sulat ng threat at inilagay naman ni Bryl yung papel sa kanyang bulsa. Napatitig ako sa maamong mukha ni Bryl, mukhang may binabalak siya ngayon. Kitang kita ko sa mukha niya na may binabalak siya.


Ano kaya ang binabalak ng lalakeng iyun?


Nagsimula na ang program at hindi naman ako masyadong nakinig. Busy kasi yung utak ko sa pag-iisip tungkol sa death threats na yun.


First threat, "CLASS E N D sat on the wall. CLASS E N D had died then all. All the elders and all the elders' men couldn't save CLASS E N D ever again. Good bye Class END of Leam University, see you in hell!"


Second threat, "On the moon's highest peak, one of you will be the bait. And be careful Class END, mercy is not in our dictionary. We will kill you all, leaving no trace. Good bye Class END of Leam University. See you in hell!"


Third threat, "At the moon's highest peak, one will of you will be the bait. Our plan was ruined so is yours. Scratch that out and you will see. But this night will be bloody where all elders and all the elders' men cannot save the curse once again. Good luck, Class E. See you in hell. <3"


Hindi ko talaga mapigilang isipin ang ibig sabihin ng mga ito. Sa first threat, hindi ko maiintindihan ang ibig sabihin nito. Yung tungkol sa mga Elders. Anong ibig sabihin nila na hindi kami matulungan ng mga elders? Sa second threat naman, anong ibig sabihin niya sa moon's highest peak? So meaning gabing ito mangyayari? Oo ganun nga. 

Leam University : School for Mages | REVISINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon