Chapter 56

12.6K 346 21
                                    

Chapter 56 - Sacrifice


AUBREY MAE CLARK


Ang bilis ng pintig ng aking puso habang palapit na ng palapit na ang barkong sinasakyan namin patungo sa isla. Kinakabahan ako habang nakatitig ako sa postura nina Camille at Khervee na nasa aming harapan. Napalunok ako ng paulit-paulit dahil sa bigat ng pakiramdam.


"No. Hindi totoo ito", pagsasalita ni Mai sa isang mahinang boses. Napahinga ako ng malalim at napatuon ang aking tingin do'n sa direksyon ng kalaban.


"I know there is a reason why they are there.", pagsasalita ni Bryl at napatingin ako sa kanya. Hawak pa rin niya ang kamay nito at nararamdaman ko na mas humigpit ang kanyang kapit sa aking kamay.


"Oo nga, I will believe on that.", sabi ko naman.


"Basta, we are one team. Ililigtas natin si Prinsipe Patrick at tigilan ang Kuro Tribe sa kanilang plano", pagsasalita naman ni Miles at ngumiti ako at tumango.


"Oo nga! Gusto ko manalo tayo para madaming chicks nanaman sa palasyo!", sigaw naman ni Dranreb at pinalo siya ni Emy. Napatawa na lamang kami ng mahina.


"Anong chicks?! Hala Mai oh, si Dranreb, landi pa rin ang iniisip!"


Nagkwentuhan sila at napatingin ako sa itsura ng islang patutunguhan namin. Isang tingin mo lang nito ay alam mo na nakakatakot ang islang ito. Madilim ang atmosphere nito at nakakatakot na. May isang toreng nakalaan dun sa isla na sa tingin ko ay 'yun ang Dungeon of Doom na tinutukoy ng Mahal na Hari noong nakaraang araw.


"Class E.", napalingon kami sa aming likuran nung narinig namin ang boses ng Mahal na Hari. "Come here", dugtong niya.


Napatingin kami sa isa't isa at tumango. Tumalikod agad si King Solomon at sumunod kami sa kanya. Pumasok kami do'n sa may room ng ship na sinasakyan namin. Nung nakapasok na kaming lahat ay isinara ng Hari ang pintuan habang dala-dala niya ang dalawang libro.


"I will entrust you a mission, Class E.", pagsasalita ng Hari at napalunok ako dahil seryoso ang kanyang mga mata habang nakatingin sa amin.


Tahimik lang kami habang hinihintay ang sasabihin niya.


"According to the book I'm holding, there is a tunnel underneath the biggest tree of the western part of the island. And I need you people to go there.", mahinang bulong ng Hari sa amin. "You will get Prince Patrick. Hanapin niyo siya. Alam nina Camille at Khervee kung saan ang prinsipe. Charles is with them.", dagdag niya.


"Pero mahal na Hari, paano po kami makahinga sa ilalim ng tubig?", tanong naman ni Miles ng mahinahon.


"The Nymphs will help you.", sagot ng Hari.


"Nymphs?", sabay naming pagsasalita ni Emy.


"They will guide you underwater.", dagdag ng Hari at napatango na lamang ako.

Leam University : School for Mages | REVISINGOù les histoires vivent. Découvrez maintenant