Chapter 23

16.3K 485 27
                                    

Chapter 23 - Miles


AUBREY MAE CLARK


Nakita ko ang paglaki ng kanyang mga mata at bakas na pagkagulat ng lalakeng lalaban namin habang nakatingin sa akin. Mas lalong lumaki yung light ball na naiproduce ko at inihagis ko ito patungo sa kanya. Agad namang tumakbo si Bryl patungo sa kanyang ama at nagteleport sa likuran ko.


*BOOOOOOOOOOOGSSSSSSSSSSH*


Sumabog ang nasa gitna at nabigla lamang ako nung nagcrack yung paligid namin. Unti-unti itong nawala at sa isang iglap ay naging itim ang lahat ng nakita ko.


Napahinga ako ng malalim. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari o kung ano ba talaga nang nangyari.


Itim. Itim lahat ang aking nakita. Wala akong ibang nakita kundi kadiliman. Nakaramdam naman ako ng saglit na  init sa aking katawan na tila parang may may ligamgam na tubig sa aming paligid.


Habang ako'y nakapikit ay may narinig akong muni-muni sa aking paligid. At ingay ng mga ito. Dahan-dahan kong inidilat yung mga mata ko at laking gulat ko ay nasa ibang lugar na ako.


"T-Teka?! Asan ako? Asan sina Bryl?!", sunod-sunod na tanong ko at natarantar ako sa nangyayari. Asan ako at bakit ako narito?


"Humihinahon ka, iha.", napalingon ako sa taong biglang nagsalita. Nakasuot siya ng isang yukata habang may minix siya sa isang tsaa. Tumingin ito sa akin at ibinigay yung tsaa sa akin.


"S-Sino ka po?", tanong ko sa kanya at ngumiti ang matanda sa akin. Oo, matanda siya. Isang babaeng matanda. Napatingin ako sa paligid ko at parang nandito ako sa isang bahay sa Japan.


"Ako si Noriko, lola ni Akiro at ang ina ni Jennie.", pagsasalita nito habang iniinom ko yung tsaa na binigay niya sa akin. "Wag kang mag-alala, iha. Nasa kabilang kwarto ang iyong kasamahan.", pagsasalita niya at napatingin naman ako sa labas. Kitang-kita ko ang laki ng buwan at ang liwanag nito, tila parang may gusto itong sabihin.


"Are you a mage?", tanong ko sa kay Manang Noriko at ngumiti ito sa akin at tumango.


"Oo, isa akong mage. I'm a Blue Class-A Mage at isa din akong guro sa Leam University noon.", pagsasalita niya at agad ko namang naalala si Ate Jennie. Agad akong napayuko dahil nahihiya ako. Wala man lang akong nagawa upang tulungan siya.


"Ma'am, about kay Ate Je--"


"Alam ko na ang tungkol dun, iha.", pagsasalita ni Manang at nanlaki yung mga mata ko. "Clairvoyance yung sixth sense ko at kaya kong makita ang nangyayari sa malayo. Nakita ko ang lahat, pati yung pagkamatay sa aking anak", mahinahong pagsasalita ni Manang Noriko tsaka ito ngumiti.


"Masaya ako dahil natapos na ang pagdudusa ng aking anak. Halos tatlong buwan na siyang pinahihirapan ng mga Witches at masaya din ako kasi kahit papaano ay nakita niya ang kanyang anak bago siya lumisan.", nakangiting pagsasalita niya habang may halong lungkot sa kanyang tono.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now