Chapter 4

26.3K 790 233
                                    

This chapter is dedicated to @Silver_x_Crystal dahil natuwa ako sa mga comments niya at lalo na sa fact na mahilig din siya sa anime. Happy reading, everyone!


***


Chapter 4 - Eight Elements


AUBREY MAE CLARK


Naguguluhan na talaga ako. Ang sabi kasi ni Camille sa akin na ang Class E daw ang pinakamababa at ang pinakaweak sa lahat ng class. At ano 'tong sinasabi ni Mairym. Ano daw? Class S? Huh?


"Anong ibig mong sabihin?", naguguluhan kong tanong. At napatingin naman ako kay Dranreb nung bigla siyang tumayo sa harapan ko.


"Yang pagiging weak at hirap na sinasabi ng ibang tao tungkol sa Class natin ay disguise lang upang walang estudyante ang maging interesado sa atin. This class is extraordinary. At pinapaniniwalaan ng mga estudyante dito na tayo ang pinakaweak dahil sa trato ng mga guro sa atin ngunit disguise lang ang lahat ng iyun.", pagsasalita ni Dranreb kaya napatango na lamang ako habang nakakunot noo.


Naiintindihan ko na. Kaya pala na sabi ni Camille na ang Class E ang pinakalow na class dito sa university ngunit bakit nila yun tinatago sa ibang tao? Bakit kailangang ipadaan sa ganito?


"Stop talking in your mind, nadidistract ako.", pananalita ni Miles kaya napatingin ako sa kanya. Ano daw? Nadidistract? Huh? Bakit? "Well, tayong mga estudyante dito sa Class E ay inililihim ng mga Elders sa ibang tao dahil special tayo. People here in Class E can be able to use elements in an extreme level na mas mataas pa sa mga tao dun sa Class A. Malakas naman ang Class A ngunit merong wala sa kanila na meron tayo. And this is the extension of using the main four elements. Imbis na apat lang ang elements na magagamit sa isang mage, naging walo na ito dahil sa combination ng mga elements. We, mages in Class E can use two main elements. So we are beyond ordinary.", pag-eexplain naman ni Miles sa akin.


Now it makes sense.


"Pero bakit kailangan ilihim na mas malakas pa ang Class E sa Class A? Bakit kailangan pang sabihin at ipagmukha sa ibang tao na ang Class na ito ay ang pinakaweak sa lahat? Bakit ganun? Diba dapat ay malaman nila kasi mga amazing ang mga tao dito? ", sunod-sunod kong tanong sa kanila at tumayo naman si Emy.


"Eh kasi---"


"We need to hide your existence as possible, Miss Clark.", napalingon kaming lahat sa pintuan dahil sa pagpasok ng isang napakaganda na babae ngunit parang stricta at nakakatakot yung mukha.


Need to hide our existence? Bakit?


Napatayo naman ang mga kaklase ko kaya napatayo nalang din ako. "Good morning Miss Michi", sabay nilang bati sa babae at nagbow sila kaya nagbow na din ako. 


"Are you Miss Aubrey Mae Clark?", tanong ni Miss Michi sa akin nung lumapit na siya sa may blackboard. Agad naman akong tumango at muling umupo sa upuan sabay sa aking mga kaklase. "Welcome to Class E, Miss Clark.", sabi niya sa akin kaya ngumiti nalang ako. "I am Michi Noriko, I am your Magic Instructor and class adviser"

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now