Chapter 11

18.8K 586 243
                                    

Chapter 11 - Stranger


AUBREY MAE CLARK


"You can leave me here, Aubrey. Okay na ako.", pagsasalita ni Camille at nakatitig pa rin ako sa kanya. Ayokong lumabas dito sa clinic, gusto kong bantayan siya dahil ako naman talaga ang dahilan kung bakit siya nandito.


"B-But--"


"No buts. Just go. Wag ka ng mag-alala sa akin. Pramis, okay na talaga ako", napabugtong hininga na lamang ako at tumayo na sa kina uupuan ko, sighing as defeat.


"Basta kung kailangan mo ng assistant, tawagin mo nalang ako, ah?", sabi ko sa kanya at ningitian niya ako at nagthumbs up.


Agad naman akong umalis dun sa clinic at naglakad papunta sa aming building upang mag-attend ng klase. Tatlong araw na ang dumaan simula nung nangyari sa amin sa dungeon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakarecover sa nangyari.


Nag-alala ako kay Camille at akala ko na talaga ay mamamatay na siya dun. Hindi na talaga siya makahinga ng maayos at naging pitch black na yung kulay ng balat niya.


Ayun kay Doctora Rhea, ang aming school doctor ay malakas na black spell yung tumama sa katawan ni Camille at maari siyang mamatay kung hindi agad naagapan yung pag dispel ng spell na yun.


I was dumbfounded and I am angry at myself. I am so weak and I hate it. Wala man talaga akong nagawa na maiikatulong sa kanila kundi ang nagpapadagdag ng problema sa kanila.


Bakit pa kasi ako pumunta dito?


Naglalakad ako sa halls at bigla kong nakita si Bryl. Tumingin lang siya sa akin at hindi man lang nagsalita. Tinititigan lang niya ako hanggang nakalapit na siya sa akin at nakisabay sa akin na naglalakad patungo sa aming room.


"How is she?", biglang pagsasalita ni Bryl sa aking isipan.


"She's okay. Sabi ng doctor, kailangan lang niyang magpahinga", sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya. Nagwiwhistle lang ako habang naglalakad.

"Hmmm. Then how are you? Are you okay?", tanong niya sa akin napatingin naman ako sa kanya habang nakakunot noo.


"What do you mean? I am fine, sooooo fine since all of you saved me from harm", malasarcastic kong sagot sa kanya habang nakasimangot.


"You are physically fine but emotionally? Nah.", napangiwi naman ako sa sinabi niya. Well. He's correct. I am not emotionally fine.Kahit hindi ako nasaktan sa araw na iyun ay nasasaktan pa rin yung damdamin ko.


Ngayon ko lang kasi na experience na ganito pala ako kababa.


Tss.


Nung nakarating na kami ni Bryl sa room ay nakatingin silang lahat sa amin at ang lapad ng ngiti.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now