Chapter 54

12K 347 23
                                    

Thank you for waiting!


~*~


Chapter 54 - I missed you


AUBREY MAE CLARK


"Nice one, Hara. Pero hindi ko hahayaang makakauwi kayo sa Leam University na buhay"


Halos nagsingtayuan ang lahat ng balhibo ko nung narinig kong magsalita ang taong nasa harapan namin ngayon. Gusto kong tumakbo at magtago ngunit wala akong nagawa kundi ang maging istatuwa sa aking kinauupuan.


"Andrew", banggit ni Bryl sa pangalan ng lalake. Nakangisi lamang ang kalaban sa amin habang sinasamaan naman ng tingin ng Bryl ang lalakeng 'yun.


"Andrew Scott", pagsasalita naman ni Charles. Seryoso ang kanyang mukha habang nakakunot noo. "Right hand of Prince Mael, the huge traitor of Leam Empire, the one who killed your father, Aubrey."


Napatingin ako ulit sa lalakeng nasa harapan namin habang nakatulala. Ito pala 'yung lalakeng pumatay sa aking ama. Ito pala 'yung lalakeng nagtangka ng buhay ng aking ama. 


Tumawa naman ang kalaban at tumingin sa pagmumukha ni Charles. "Hindi lang ako ang traydor dito. Charles Lizbrynth Rielle, ang dakilang traydor ng Kuro Tribe.", pagsasalita nito.


"I think I need to finish you.", malaseryosong pagsasalita ni Charles habang nakakunot noo. Nagsummon siya ng kanyang staff at initaas sa ere ngunit agad itong nawala sa kanyang mga kamay nung may malakas na hangin ang dumating. Bigla itong lumipad sa malayo. Napatiim bagang na lamang siya at sinamaan ng tingin si Andrew.


"No, no, no, brat", nakangising pagsasalita ni Andrew habang nakataas noo. "I won't let anyone interfere my battle against the beautiful Hara."


Nanlaki naman ang mga mata ko 'nung bigla lang siyang nawala sa aming paningin. Agad ako napatayo sa aking kinauupuan na may halong kaba at takot ang aking nararamdaman. Napalunok naman ako sa paligid ko. 


"Everyone, duko!", sigaw ni Mairym at agad naman kaming sumunod at dumuko.


And a flash, naputol ang mga puno sa aming paligid. Mas lalo akong kinabahan.


"Shit! Asan ba 'yung Andrew na 'yun?!", pagsisigaw ni Dranreb habang nakatingin sa paligid. Inilibot ko naman 'yung tingin ko ngunit hindi ko pa rin siya nakikita.


"Activate an anti-invisibility spell", pagsasalita ni Bryl sa aking isipan. Napatingin naman ako sa direksyon niya at tumango. Pilit kong pinikit ang aking mga mata at nagsimula nang magcast ng spell.


"O ta pnévmata ton tessáron stoicheíon, sas diatázo. Anakaléste to xórki invisibility epáno mou!", sigaw ko.


Agad kong nilibot ang aking paningin sa paligid ngunit wala kaming nakitang Andrew. Wala kaming nakita ngunit nakarinig kami ng isang halakhak, isang tawa na puno ng kademonyohan.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now