Chapter 44

13.5K 431 36
                                    

This chapter is dedicated to MsKindGirl, a favorite author of mine. I just want to let you know that I used Ate Klarizza's name here. HAHAHA. Thank you for the advises and stuff. Happy reading everyone!


***

Chapter 44 - Revealed


AUBREY MAE CLARK


Ang init ng aking katawan. Hindi ko mapaliwanag ang aking nararamdaman dahil halo-halo ang nararamdaman ko. Nangingibabaw lang sakit ng aking katawan.


Hindi ako makahinga ng maayos. Mabubuhay pa ba ako? Maayos pa ba ang lahat? Paano kung mamamatay ako ngayon? Paano kung katapusan ko na?


Hindi ko mapigilang mag-alala. Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang malaman ang katauhan ko. Gusto ko pang makausap si Camille muli. Miss na miss ko na siya. Marami pa akong gustong malaman. Marami pa. Masyado pang misteryoso ang buhay ko upang tapusin ito.


Nakatingin lamang ako sa dingding habang nararamdaman ko ang paglapit nila sa akin. Ramdam ko ang paglibot nila at napabugtong hininga ako. Kinakabahan ako ngayon dahil hindi ko na alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. Ngunit kailangan kong magtiwala kay Master Leo. 


Nakita ko ang biglang pag-ilaw ng paligid. Iba't-ibang kulay. Mas lalong bumigat yung pakiramdam ng aking katawan at mas lalo itong nang-init. Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa aking mukha habang ako ay nahihirapang huminga.


"You can do this, Aubrey.", rinig ko ang pagsasalita ni Sir Roi habang hindi ako nakatingin sa kanya. Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to. Kakayanin ko 'to.


"O pnévmata ton tessáron stoicheíon", rinig ko ang pagsasalita ni Master Leo. Malamig ang boses nito. Yung tila parang may tinatawag siya at mas bumigat yung tensyon ng paligid. Nararamdaman ko ang biglang paghagip ng hangin at napapikit ako sa aking mga mata habang parang lumilipad na yung buhok ko dahil sa lakas ng hangin.


"Sas diatázo! Ánoigma tis pýlis! Afíste tin na tin afísei na agonisteí enántia sto kakó sto sóma tis!", sigaw ni Master Leo at biglang nawalan ako ng malay.


Wala akong naririnig. Wala akong nararamdaman na init o di kaya pagod at sakit. Matahimik. Madilim. Wala akong nakikitang kahit anong bagay ngunit kulay itim.


Naglalakad ako at hindi ko alam kung asan ako pupunta, basta ang alam ko ay dapat akong maglalakad yung tila parang umuutos sa akin na maglakad ngunit hindi ko alam kung asan ang aking papatunguhan.


Asan ba ako?


Biglang may nakita akong ilaw sa malayo. Tumakbo ako patungo dun. Ayoko sa dilim, ayokong tumira dito. Ayoko. Mas binilisan ko ang aking takbo patungo sa ilaw na yun at dahan-dahan naging malaki na ang liwanag na aking nakikita. 


Napatigil ako habang nanlaki ang aking mga mata. Hindi ako humihingal at hindi ako nakaramdam ng pagod sa kakatakbo. Ngayon naging malinaw na yung liwanag na aking nakikita, malinaw na din ang pinapanood ko.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now