Chapter 59

11.4K 345 65
                                    

Chapter 59 - Death


AUBREY MAE CLARK


Napabugtong hininga ako habang kami ay tumakbo na naman muli. 


"Na-sense ko na ang kapangyarihan ni Prinsipe Patrick!", sigaw ni Emy na nasa aming harapan. Dali-dali naman kaming sumunod sa kanya. Napatingin ako sa paligid ko at may naramdaman ako.


Agad kong lumingon sa aking likuran.


Sa isang iglap habang kami ay papalayo, hindi ako makapaniwala sa aking nakita. May isang pana na papunta sa akin at hindi ko lang namalayan ay nasa harapan ko na si Sir Arman. 


Sa sobrang kaba ko ay nanghina ang aking katawan at napaupo sa lupa habang nakatingin sa wala. Napailing-iling ako habang tumalsik ang dugo galing sa katawan ni Sir Arman habang natusok ito sa kanyang bandang tiyan.


"S-Sir", banggit ko sa kanyang pangalan. Nakangiti lamang siya na nakatingin sa akin habang hinawakan niya 'yong arrow na nasa kanyang tiyan. "S-Sir", muling pagsasalita ko habang ang sarili ko ay lutang na lutang. Hindi ako makapaniwala.


Parang ang bilis lang na nangyari. Tumatakbo lang kami palayo sa mga guro namin ay nandito na si Sir Arman na duguan sa aking harapan. 


Natigilan sa pagtatakbo ang mga kasama ko at napatingin kay Sir Arman na nakaluhod sa aking harapan. Napailing ako muli. No, hindi pa mamatay si Sir.


Gusto ko iyon paniniwalaan ngunit paano ko mapapaniwalaan ng husto ang gano'ng bagay kung kitang-kita na sa mga mata ko ang katawan niyang wala ng pag-asa na mabuhay pa muli na unti-unti ng nanghihina habang lumuluwa na ang dugo sa kanyang bibig. 


Ngumiti si Sir sa akin. "G-Go."


Napailing ako. "Pero--"


"Go!", sigaw niya sa akin at agad akong napatayo. Itinulak niya ako palayo sa kanya habang kinuha niya ang kanyang staff na nahulog sa gilid ko at pilit siyang tumayo. 


"S-Sir, anong gagawin mo?! T-Tama na!", pagsisigaw ko.


Mahina na ang kanyang katawan. Mahina na siya. Wala na. Pero bakit niya pinipilit ang kanyang sarili? Bakit?


"Dahil gusto kong iligtas ang buong mundo, Aubrey", pagsasalita ni Sir sa aking isipan.  Napatiim bagang ako at muli siyang lumipad sa ere.


"T-Tara na, Aubrey", pagsasalita ni Mairym habang ako ay nakatitig pa rin sa likuran ni Sir na may dugo. "Tara na. We need to finish our mission.", sabi ni Mai at tumango ako.


Tumayo na ako at nagsimula na akong tumakbo. Nagsingtakbuhan nanaman kami pero kitang kita ko na sa mga katawan ng mga kaibigan na nanghihina na sila.


Napapikit ako sa aking mga mata at nakita ko ang isang vision kung saan nagliliwanag ang mga bagay na may buhay. Malapit ng maubos ang magoi ng katawan ng mga kaibigan ko. At pati din sa akin. Hindi ko alam kung kaya pa ba naming mag-chant ng spell mamaya habang kami ay tumatakbo patungo sa dungeon.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now