Chapter 47

13.2K 417 67
                                    

Chapter 47 - Hara


AUBREY MAE CLARK


Nakatingin lamang ako sa kadiliman, nakatulala. Matalim akong napabugtong hininga lamang ako'y napatingin sa pagkatingin sa pagkain sa aking harapan. Masarap ito at napakamabango ng amoy nito ngunit hindi ako nakaramdam ng gutom. Kahit gaano ito kasarap tingnan ay wala pa rin akong ganang kumain.


Ilang araw na akong nandito sa isang kulungan na may kamang malambot, pagkain na masarap at TV. Kahit may ganito sa kulungan na ito ay parang walang buhay ang aking katawan. Wala akong gana. Wala akong buhay. Wala akong pakielam. Nakatulala lamang akong magdamag.


Ilang beses na akong sumubok na tumakas ngunit hindi ko magawa. Ang buong kulungan ko ay may dugo ni Camille at hindi ako makagamit ng mahika. Gusto kong tumakas. Gusto kong bumalik sa  Leam University. Gusto kong bumalik sa mga kaibigan ko. I want to go home.


"Kumain ka na, Aubrey. You need to eat. Mukha ka ng zombie.", napatingin ako kay Charles nung nagsalita ito sa harapan ko. Pumasok siya sa kulungan ko at umupo sa may sofa. Umiwas ako ng tingin.


"Ayokong kumain. Just let me go.", walang emosyon kong pagsasalita. "I want to go back to Leam University.", dugtong ko.


"Sa tingin mo ba, nag-alala sila sayo?", napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.


"Anong ibig mong sabihin?", nakatiim bagang kong pagtatanong at napasmirk lamang si Charles. Tumayo siya at tumapat sa akin.


"God! It's been almost a month since we dragged your ass here at wala pa rin silang ginawang aksyon! They didn't even came here to save you.  They don't care about you anymore, Aubrey.", malamig niyang pananalita at napakagat ako sa labi ko.


Natigilan ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Yes. Umaasa ako na balang araw ay ililigtas ako ng mga kaibigan ko, na pupuntahan nila ako dito pero ilang araw, linggo na anh lumipas, hindi sila dumapo. Pero I'm still hoping. They are my friends. They are going to find me.


"No! Pupuntahan nila ako dito. I'm going back!", sigaw ko sa kanya.


"You're not going back. You're staying here and you're going to marry me. You will rule the world with me so stop dreaming about going back to that place.", sabi niya sa akin at hindi ko mapigilang magalit.


"I'm not going to marry you. I'm sorry Charles but I can't. I may treat you as a friend but I will not marry you. I'm not going to rule the world with you!", sigaw ko sa kanya.


Oo, kaibigan ang turing ko sa kanya. Sa loob ng ilang linggo dito sa kulungan na 'to, I kinda consider him as a friend. Siya lang ang palagi kong kausap dito. He even gives me food and such pero hindi pa rin nawawala sa aking isipan na isa pa rin siyang witch, isang kalaban.


"If you really consider me as a friend, you will marry me. According to Amah, if you don't... many people are gonna die.", umiwas siya ng tingin at napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman maraming tao ang mamatay?

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now