Chapter 15

17.7K 550 96
                                    

This chapter is dedicated to @Missredlips07 dahil ang kulit niya at isa siya sa mga readers ko na nakasurvive sa pagbasa ng story'ng ito. Thank you for the support! Happy reading everyone.


(BABALA: NAKAKASAKIT SA ULO ANG CHAPTER NA 'TO)


***


Chapter 15 - Suspicious


AUBREY MAE CLARK


Umalis na kami sa aming kinauupuan at  naggroup kami into pairs. Kasama ko si Camille ngayon habang kumakain kami ng kwek-kwek malapit sa taong nakita namin kanina.


"Are you guys ready?", rinig ko ang pagsasalita ni Bryl sa aming isipan at dahan-dahan naman akong tumango.


"Enemy, 100 meters at 4 o'clock north, slowly moving to 5 o'clock north 103 meters far away from the building A", pagsasalita ni Mai sa amin at napatingin ako sa kanya. Andito siya ngayon sa third floor ng building A at binibigyan niya kami ng impormasyon kung ano ang ginagawa ng Witch na yun. Natatandaan niyo yung sixth sense ni Mai? Yung eye sight improvement niya? Yeah yun ang ginamit niya upang makita niya yung witch na yun.


"Linaw na linaw sa aking mga mata na parang naguguluhan siya. He already know our presences guys!", sigaw ni Mai sa amin at napakagat labi nalang ako dahil sa kaba. "He is already running to the woods!", dagdag niya.


"Shit!", napamura si Bryl at bigla itong tumakbo patungo sa woods. "Use your invisibility spell, everyone. I don't want any students to see us.", dagdag niya sa isipan namin.


Dali-dali naman akong nagchant ng spell sa aking ulo at naging faded na yung katawan ko.


"Get him! Pair A, B, C. Left side. Pair E stay by my side. We have to get this man.", sigaw ni Bryl sa aming isip at agad naman kaming napatango. "Dranreb. Go ambush that man in the center of the woods.", dagdag niya at napatingin naman ako kay Dranreb habang tumatakbo kami.


"Roger that", nakangiting pagsasalita ni Dranreb at laking gulat ko ay biglang bumilis yung pagtatakbo niya. Mukha siyang isang cheetah. Bigla lang itong tumalon ng sobrang taas at nahulog talaga ang panga ko sa nangyari.


He just jumped 20 meters high!


"What the heck?!", napamura ako at napatingin naman ako kay Camille na kasama ko. Nakita ko din ang pagkagulat niya nung nakita  niya si Dranreb ng ganun.


"That's his sixth sense guys. He is super fast and can jump high ngunit may kapalit. Madali lang siya maexhaust.", pag-eexplain ni Mairym sa aming isipan. "Emy, tara na.", dagdag niya at tumango naman si Emy sa kanyang sinabi.


Huminga ako ng malalim. They are so cool and their sixth senses are so awesome. Ano kaya ang sixth sense ni Bryl, Kuya Khervee at Miles? Hmmm.

Leam University : School for Mages | REVISINGWhere stories live. Discover now