Mahina siyang natawa saka sinuklay ang nakalugay na buhok gamit ang mga daliri. "Ganiyan talaga si Papa. Kita mo naman, may katulong kami pero ako ang pinaghugas para lang ma-solo ka niya."

Beckett chuckled. "That's okay. Kahit naman siguro ako, kapag nagkaanak ng babae at may manligaw, baka makatay ko ng buhay."

Tumaas ang kilay niya. "So you can actually see yourself having a daughter?"

"Of course." Patagilid na umayos ng upo si Beckett, paharap sa kaniya saka hinaplos ang buhok niya. "Sana lalaki unang mabuo natin."

Napatanga siya sa binata. "Mabuo natin?" Nakatanga pa rin siya sa binata. "Hindi pa nga kita sinasagot, gusto mo kaagad magkaanak tayo? Sipa, gusto mo?"

Ngumisi lang si Beckett saka naglalambing na yumakap sa kaniya.

Kaagad niyang inalis ang braso ng binata na nakayakap sa kaniya saka pinanlakihan ito ng mga mata. "Nasa taas sila Papa. Tumigil ka. Behave."

Mahinang natawa ang binata saka nahiga ito sa sofa at ginawang unan ang hita niya.

Napabuntong-hininga siya saka hinawi ang buhok nito na nakatabing sa nuo nito.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanung niya. "Hindi ka puwedeng magtagal dito sa bahay. Magagalit si Papa."

Hinuli nito ang kamay niya na humahawi sa buhok nito saka hinalikan ang likod niyon. "Maya-maya lang, aalis na rin ako." Tumingin ito sa mga mata niya. "I had a fun dinner with your family. Thank you. Matagal-tagal na rin mula ng kumain ako na kasama ang isang buong pamilya."

"Hmm..." She caressed Beckett's chin and played with his day-old whiskers. "Hindi ba kayo nagkakasama madalas ng pamilya mo?"

Umiling ito. "Elementary palang ako, hiwalay na ang mga magulang ko. My Mom remarried. Nagkaroon siya ng ibang pamilya at naiwan naman ako kay Dad though my communication naman kami ni Mommy at hindi naman niya ako pinabayaan at kinalimutan. My Dad never remarried, but he has lots of women companion."

Wala pala itong buong pamilya. Hindi niya akalain na may malungkot pala itong kabataan. "Minahal ka naman siguro ng Dad mo. I mean, kayong dalawa lang ang magkasama."

He shrugged. "Loving his son and giving his son everything is a different thing." Huminga ito ng malalim, "binigay sakin ni Dad ang lahat pero wala naman siya sa mga importanteng araw ng buhay ko. Like my graduation and birthdays. He's always busy with work. Inintindi ko nalang. At saka nandun naman si Mommy palagi kaya may importanteng okasyon sa buhay ko. And at that age, who doesn't want to have a not strict parent?"

Her fingers moved to caress his cheeks and nose. "Ako rin naman, ngayon lang din na malaki na ako nakaranas na kumain na kasama ang buong pamilya sa hapag-kainan."

Kumunot ang nuo ni Beckett habang nakatingin sa kaniya. "Why? You look like you have a happy family to me."

"Nasa Elemetary palang ako, nag abroad na si Papa kasi nga sobrang hirap ng buhay namin noon." Pagkukuwento niya sa binata. "Nagtrabaho siya sa isang Factory sa Canada. Hindi ko siya nakasama kalahati ng buhay ko. Makasama ko man siya, kapag bakasyon lang niya. But I understand, nagta-trabaho siya para maging maganda ang buhay namin. And the good thing was, my Mom is good in business. Ang natipon nilang pera ni Papa na galing sa pagta-trabaho niya abroad, naipagpatayo niya ng pagawaan ng tela na lumago sa paglipas ng maraming taon dahilan para hindi na bumalik si papa sa abroad. And as for me, I think took my mom's skills on making dresses. Isa kasing mananahi ang Mama ko noon."

Natigilan siya ng makitang titig na titig sa kaniya ang binata.

"What?" She asked.

"Akala ko may kaya na talaga kayo mula pa noon." Anito habang hinahaplos ang pisngi niya. "I didn't realize that your father was an OFW."

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerWhere stories live. Discover now