Inaasahan na ni Ruth na walang magiging negatibong komento ang ama niya dahil nasa tamang edad naman siya. But to Ruth's surprise, her father's lips thinned and his face turns serious.

"Sigurado ka sa gusto mo?" Anang ama niya sa seryusong boses.

Mabilis na tumango si Beckett. "Yes, Sir."

Her father just grunted before speaking, "mag-uusap tayo mamaya ng masinsinan." Anang ama niya kay Beckett.

Tumango si Beckett saka bumaling sa kaniya. Nginitian lang niya ito saka kinindatan bago bumulong, "good luck, babe."

Hindi pinansin ni Ruth ang pagtitig sa kaniya ni Beckett pagkatapos niya itong tawaging 'babe'. Basta nakangiti lang siyang pinagpatuloy ang pagkain.

HINDI MAPIGILAN ni Ruth ang ngiting gumuhit sa mga labi niya habang pinagmamasdan si Beckett kasama ang mga magulang niya sa salas. Pagkatapos maghapunan kasama ang binata ay kinausap ito ng mga magulang niya patungkol sa panliligaw sa kaniya. Hindi pala, ang Papa lang pala niya ang kumausap, kasi tahimik lang ang Mama niya.

Her father instantly interrogated Beckett the moment they sat on the sofa. Sa dami ng tinatanung nito ng ama niya sa binata, halos hindi nito pinatapos ang binata sa pagsagot.

"Paano ko masisiguro na seryuso ka sa anak ko?"

"Sir, I like your daughter very much—"

"Hindi ka namin gaano kakilala, paano kami magtitiwala sayo?"

"Sir, I can give you my police clearance and my NBI Clearance to erase your doubts—"

"Why do you like my daughter?"

"That's because—"

"Gaano na kayo katagal magkakilala ng anak ko?"

"Medyo matagal na rin—"

"Gaano na kalalim ang relasyon niyo?"

"We have been—"

"Are you a good person, Beckett?"

"Yes, Sir." Kaagad na sagot ng binata.

Isinandal ni Ruth ang gilid ng katawan sa gawa sa naga nilang divider na nasa likod ni Beckett. Hindi siya nakikita ng binata kaya naman malayang napagmasdan niya ito mula ng makabalik siya mula sa paghuhugas ng pinagkainan nila.

"How can you say that?" Tanung na naman ng ama niya. "Paano ka naman naging mabuting mamamayan? May nagawa ka na ba sa kapwa mo na ikakasiya nila?"

Bago pa sumagot si Beckett, umalis siya sa kinahihiligan saka naglakad palapit sa binata at ama niya.

"Papa..." Aniya saka hinalikan ito sa pisngi. "Matulog ka na. Ako na po ang bahala kay Beckett."

Kaagad na nagsalubong ang kilay ng ama niya. "Hindi. Nag-uusap pa kami. Kailangan kong kilalanin ang lalaking nanliligaw sayo."

Humihingi ng tulong na bumaling siya sa Mama niya.

Kaagad namang nakuha sa tingin ang Mama niya saka hinawakan sa braso ang Papa niya.

"Halika na." Aya ng Mama niya sa ama niya sabay hila rito paalis ng salas.

"No, honey, hindi pa ako tapos—"

"Oras na para nagpahinga ka. May bukas pa. Tiyak na babalik pa naman si Beckett." Anang mama niya na hindi tinantanan ang ama niya sa paghila rito hanggang sa maka-akyat ang mga ito sa ikalawang palapag.

Naiiling na natatawang lumapit siya kay Beckett saka umupo sa tabi nito. "Pasensiya na, mukhang ginisa ka ni Papa."

Sumandal si Beckett sa likod ng sofa saka nakangiting bumaling sa kaniya. "Your father totally changed." Mahina itong natawa. "Nuong una akong pumunta rito, pinagtanggol pa niya ako sayo nuong minura mo ako. Pero ngayong nalaman niyang nililigawan kita, ni hindi nga niya ako nginitian at hindi niya ako pinapatapos sumagot."

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon