Napailing nalang siya saka pinaghugot ng upuan si Beckett at pinaupo doon ang binata. Akmang tatayo ito at ipaghuhugot din siya ng upuan pero pinigilan niya ito.

"Huwag na." Aniya saka umupo sa upuang katabi nito.

"Magandang gabi, ho." Bati ni Beckett sa nga magulang niya.

Tumango ang ama niya. "Magandang gabi rin. Kumusta ka na?"

"Maayos naman po." Magalang na sagot ng binata.

"Ilang buwan na rin mula ng huli ka naming makita." Anang ina niya na nakangiti kay Beckett. "Mabuti naman at dito ka sa bahay naghapunan ngayong gabi. Salamat nga pala sa mga prutas na dala mo nuong nasa Hospital si Rafael."

"Wala hong ano man 'yon." Anang binata.

"Kain ka na." Aniya saka nilagyan niya ng kanin at ulam ang pinggan ng binata. "Pagpasensiyahan mo na, 'yan lang ang ulam namin. Si Mama kasi, nagki-crave daw siya ng ginataang malunggay na may tinapa kaya pinagbigyan na namin at isinuko namin ni Papa ang gusto naming ulam na Caldereta. Para namang nagbubuntis, eh menopause na siya." Binalingan niya ang ina na masama ang tingin sa kaniya. "Diba, Ma?" Nginisihan niya ang ina, "Menopause ka na."

Napaaray siya ng abutin ng Mama niya ang pisngi niya saka pinisil iyon ng malakas.

"Ikaw talagang bata ka." Napa-tsk ang ina niya, "pinapahiya mo ako sa bisita natin."

Napapantastikuhan siyang natawa saka tinapik-tapik ang balikat ni Beckett na nag-uumpisa ng kumain. "Don't worry, walanghiya din ang isang 'to."

Biglang napaubo si Beckett saka mabilis na uminom ng tubig. "I'm sorry." Ani ng binata matapos itong umubo ng sunod-sunod.

Napailing nalang ang Papa niya saka ito na ang naglagay ng ulam sa pinggan niya. "Hayan, tiyan yan ng tinapa, ang paborito mo. Tumahimik ka na at kumain."

Napangisi nalang si Ruth saka kumain habang pasulyap-sulyap siya kay Beckett na nagpatuloy sa tahimik na pagkain.

And as she keeps on glancing at Beckett, she noticed him pushing the moringaand the smoked fish towards the edge of the plate. Ang tanging kinakain lang nito ay ang kanin at gata na nakahalo doon.

Pasimple niyang ibinaba ang kamay sa ilalim ng mesa saka sinapo ang hita nito dahilan para mapaigtad ito at namimilog ang matang napabaling sa kaniya. Nagtatanung ang kislap niyon.

"Kainin mo." Pabulong niya sabi saka siya na ang naghalo sa tinapa at malunggay sa kanin nito. "Si Mama nagluto niyan. Ma-o-offend siya."

Sa sinabi niya, mabilis nitong kinain ang tinapa at malunggay.

Nakonsensiya si Ruth ng makitang halos hindi maipinta ang mukha ng binata habang nginunguya ang pagkain. And when he swallowed, she saw how the hair on his arms goose bumped.

Inabot niya ang pitsel na iced tea ang laman saka nilagyan sa baso ang binata para mawala ang lasa ng kinain nito.

"Oh, heto," iniabot niya ang basong may iced tea kay Beckett. "Drink."

Beckett drink it in an instant. Kapagkuwan ay bumaling ito sa kaniya at medyo nakangiwing ngumiti. "Busog na ako."

Ayaw na niyang biruin ang binata kaya naman tumango siya saka tumayo at ikinuha ito ng dessert sa Ref. Pambawi sa pagkaing pilit nitong inubos dahil sa biro niya.

"Here." Aniya sabay lagay ng pabilog na plastic na lalagyan ng mango float sa ibabaw ng pinggan nito. "Kainin mo. Ako may gawa niyan."

Kaagad na tumango si Beckett at kumain ng dessert.

"Bakit ka pala nandito, hijo?" Tanung ng ama niya pagkalipas ng ilang segundo.

Napatigil sa pagkain si Beckett saka napatingin sa gawi ng ama niya. "I, ahm, umaakyat po ako ng ligaw sa anak niyo, Sir."

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon