Part 69

1.3K 19 0
                                    

  Sa kasal ko, doon ko babawiin ang nasayang sa 18th birthday ko na naging disaster... At walang makakapigil sa akin.
Sa garden namin gaganapin ang kasal. At ang theme? FAIRY TALE lang naman. At ako ang bida kontrabida dahil ako ang nag-iisang evil queen na magkakaroon ng happy ending with my prince that soon to be my king-- Miguel Lazaro.
Nang una kong i-open ang gusto kong mangyari, mahaba-habang usapan ang nangyari. Sina Migs, tita Ana at mga kaibigan ko ay hindi sang-ayon. Pero nang isa-isahin ko kay Migs ang mga kasalanan niya sa akin sa nakaraan, siya na ang nagkumbinsi sa iba na sundin nalang ako.
Ako ang nag-design ng gown ko. I made sure na iyon ang namumukod tangi sa lahat. Bukod sa napakahaba at pa-baloon iyon, ang nakaka-attract talaga ay ang matinkad na kulay pula na inihalo sa itim. Nagpagawa rin ako ng crown.
Pambata na kung pambata, pero kasal ko to eh. Kaya ang required mag-costume ang mga bisita.
At ang aking king, pinabaoi niya ang susuotin niya. Nang tinanong ko kung bakit, di niya ako sinagot. Badtrip yata siya sa ideya ko.
--
Naririnig ko na ang wedding bells sa aking ulo kasabay ng malakas na pagtibok ng aking puso.
Naramdaman ko ang paglapit ni dad sa tabi ko. Nang tingnan ko siya ay may mga luha nang tumutulo mula sa mga mata niya.
"I am sure your mother is very happy right now."
We hugged each other. I thanked him.
Habang naglalakad kami sa aisle, habang papalapit sa aking king, until unting nag-flash back ang lahat: ang panahong naglalaro pa kami ng bahay-bahayan kahit sawa na si Migs, ang linggohan naming swimming sa pool nila, ang biglaang pagdating ni Pia, ang mga times na nagselos ako, ang mga times na nag-aaway kami ni Migs, ang mga times na nilambing niya ako, nang-isurprise niya ako sa birthday ko, ang first kiss namin, ang pag-sira niya sa mga pangako niya, ang pagpili niya kay Pia, ang pag-alis ko papuntang State, ang muli naming pagkikita, ang pagtatapat niya ng nararamdaman niya, ang second kiss namin, ang third kiss, ang fourth, ang fifth...
Namalayan ko nalang nasa harap ko na ang aking present and future. Nagulat ako sa suot niya. Parehas kami ng theme ng suot. Black and red din, at may korona rin sa ulo. Natawa ako na naluha rin. Kasi naman, parang dati lang ay iniiyakan ko siya na maging akin, ngayon akin na talaga siya. Ang gwapo-gwapo ng king ko!
"She's yours," ani dad kay Migs. Nagpasalamat naman si Migs. He leaned at whispered "You are so beautiful, my evil queen."
...
Sa reception, sa hotel nina Migs, ganon pa rin ang theme. Kami ng asawa ko ay nasa high table like King and Queen talaga. Ang mga servants, pag lalaki ay mga elves. Pagbabae naman ay mga fairies. Ang motif ng lugar ay palasyo.
We danced and drink and laugh and love. Ako na yata ang pinakamasayang reyna sa balat ng lupa. Wala na akong mahihiling pa-- ay wait, meron pa pala!
...
"Grabe, nakakapagod!" inda ni Migs nang maibaba niya ako dahil sa pagbuhat niya sa akin, bridal style.
Nasa dream house nga pala kami. Ito ang regalo ng mga magulang namin. Ready na ready na ang bahay tirhan na naghihintay lang sa amin. Ang ibang mga regalo ay nasa salas na rin. Talagang inasikaso na lahat ni tita Ana ang mga kailangan namin ni Migs. Pero may iba akong concern...
Sumalampak si Migs sa sofa malapit sa mga regalo.
"Hindi ka pa ba magsha-shower?" tanong ko.
"Ikaw na muna, pagod ako."
Akala ko pa naman sabay kami. Nauna na nga akong magshower. Susuotin ko yung binigay na night dress ni Paola!
Pagkatapos ko ay nasa salas pa rin si Migs. Nagbubukas ng regalo.
Nagpakita ako sa kanya, pakemeng nag-pose. Hindi naman siya tumingin, abala sa regalo. Naiinis na ako.
"Tapos ka na?" tanong niya.
"Oo."
"Good. Tingnan mo yung mga regalo, ang gaganda!" aniya na natatawa pa.
"Migs."
"Hmm?"
"Tingnan mo ko!"
Tumingin nga siya. Pero wala naman siyang reaction. "Bakit?"
"Uunahin mo pa ba yang mga regalo?"
"Eh ang gaganda eh. I can't help myself."
"Letse naman eh first night natin ngayon!" bwiset na talaga ako.
"I know. Bakit ka galit?"
"Eh dapat kasi nag-aano tayo ngayon!"
Halatang pinipigil na niya ang tawa niya. "Anong nag-aano?"
"Nag-aano nga! Punyeta, kung mas nagagandahan ka sa mga regalo na yan, samahan mo silang matulog dito sa salas!"
Nagwalk out ako. Nakakabanas talagang lintek na lalaking iyon.
Bago pa ako maka-akyat ng hagdan ay hinila na niya ako pasandal sa pader. Ang mga mata ni Migs ay may halong mischief at passion.
"Syempre ikaw ang pinakamaganda sa lahat kaya ikaw ang sasamahan kong matulog sa kwarto."
"Bakit ka kasi nang-aasar?"
He kissed me on the lips and said, "hinihintay ko lang na ikaw mag-aya. At ang cute-cute mo kasi pag naiinis. Lalo akong nasasabik sayo pag ganon."
This time ako na ang humalik sa kanya. "I love you so much, Migs."
"I love you more, Mrs. Lazaro."  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now