Twenty

1.4K 25 0
                                    


  Simula noon ay pinilit ko nang iwasan si Migs, nang tuluyan. May pagkakataon na nagre-reach out pa rin siya sa akin pero literal na hindi ko na siya pinapansin. Isang beses ay sinabi niyang: ''Nel, ano ba? I miss you,'' pero hindi ko siya pinakinggan.
Days passed tapos na ang school year. Grade 12 na ako sa pasukan samantalang si Pia ay tapos na ng high school. Akala ko hindi siya makakapos dahil ang alam ko, bobo siya! Kaya nga hinala ko na never siyang nanalo sa mga pageant na sinalihan niya.
Nagkaroon ng bonggang handaan na si tita Becca na naman ang may pakana. Well, dapat talagang magcelebrate dahil muntik nang di makakagraduate ang anak niya. Samantalang ako, ako na palaging nasa top ay hindi nakialam sa plano nila.
Naroon ako nang magbigayan ng gift ang mga kakilala nila. Medyo nagselos pa ako nang makita ko si dad na niyakap si Pia at abutan ng regalo. Sunod naman si Migs (napapansin ko pa rin ang panaka-naka niyang tingin sa akin pero kunwari ay di ko siya nakikita). Hindi ko alam kung ano ang regalo niya kay Pia at wala akong pakealam.
Tapos bigla akong umeksena. Inabutan ko siya ng isang bag ng Cherifer for adults. Gulat na gulat sila. Nagsmirk lang ako sabay sabing: ''Hindi ka babagay sa college pag kulang ka sa height''
kitang-kita ko ang inis sa mukha ni Pia habang ako naman gusto nang tumawa.
Nang magbakasyon, nagibang-bansa sila Migs. Si Pia naman ay nag-summer camp (na alam kong first time niya dahil nga dati, hindi pa nila afford yon).
Ako naman ay madalas nagkukulong sa kwarto o di kaya naman ay gagala kasama ang mga kaibigan ko. Pag-mag-isa ako ay nanonood ako ng Once Upon A Time () at feel na feel ko ang mga stories. Nakakarelate ako lalo na kay Regina. Siya ang evil queen sa story at siya ang naging favorite character ko. Tapos nakaka-mangha ang mga costume nila. Magaganda kaya minsan ay natutunan kong magdesign ng mga damit. Sinubukan ko na rin manahi dahil balak kong gayahin ang costume ni Regina. Nang magtagal ay napagtanto ko na gusto kong maging designer kaya gumawa pa ako nang gumawa.
.
Huli ko na rin nalaman na umalis na sila Joshua papuntang ibang bansa. Hindi siya nagpaalam pero may pinadala siya email sa akin. Nakalagay doon na magiging better person siya hangga't sa maging karapat-dapat siya sa akin. Na mahal na mahal niya raw ako at sana raw ay mahintay ko siya. Nang mabasa ko ang sulat niya ay naiyak na naman ako ngunit nagreply pa rin ako:
Joshua,
Hindi ko alam ang mga mangyayari sa future, at alam mo rin iyon. Kaya nga hindi ko maipapangako na maghihintay ako sa'yo. Pero sakali mang dumating ang panahong pwede pa at sang-ayon ang tadhana, welcome kang bumalik sa buhay ko. I forgive you and thank you for the memories.
Nel  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now