Part 64

1.2K 15 0
                                    

  Nel's POV
It's been 3 days nang mangyari ang komprontahan namin ni Becca. Nasaktan ako, oo pero mas masakit ang pagwawalang-bahala ni Migs. Nagkulong ako sa bahay para lang mapansin niya pero walang epekto. Mabuti pa si tita Ana, nakailang bisita na sa akin. Sabi naman niya ay alam na raw ni Migs ang nangyari sa akin, pero wala pa ring pakialam ang bruho.
Pakiramdam ko ay nagbalik na naman ako sa pagiging teenager. Gusto kong maglumpasay sa sahig. Nakakairita at ang sakit-sakit ng binabaliwala, lalo na pag si Migs.
Pero kahit anong mangyari, itinuloy ko ang pagdemanda kay Becca. Dad does not have to know about it, lalo na at di pa siya magaling. Ako na ang bahala sa taong nanakit sa kanya.
I know dinadaan ko na sa mali ang ginagawa ko, but who cares? Migs cares pero wala akong pakialam.
Sa kabila ng asar, inis at tampo ko sa mahal ko, miss ko na siya. Naiinis ako kasi miss ko na siya at di ako mapakali ngayon sa bahay.
I want to see him.
I want to embrace him.
I want to kiss him.
Shit I can't do this anymore. Bahala na si pride.
Pumunta ako sa bagong branch ng hotel namin kung nasaan ang opisina ni Migs na siyang OIC doon. Ang lakas ng kabog ng dibdib sa excitement. Ano bang gagawin ko pagnakita ko siya? Ang huli naming pag-uusap ay yung nag-away kami. Pissed off pa rin kaya siya or miss niya na rin ako?
Natawa nalang ako sa sarili ko dahil baliw na naman ako.
Sakto pagpasok ko sa lobby ay nakita ko ang mahal ko.
May kayakap.
Isang babae.
Magandang babae.
Ang bruhang babae.
Si Pia.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Naginginig ang katawan ko habang unti-unting umakyat ang dugo ko sa ulo ko.
"Nel," ani Migs nang sa wakas ay makita niya ako. Agad siyang kumalas kay Pia. Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanila. Si Migs ay namumutla, si Pia naman ay may concern sa mukha. Bitch talaga ang galing umarte.
Agad lumapit si Pia sa akin, kasunod niya si Migs.
"I'm so sorry Nel. Alam ko out of the picture na ako sa buhay niyo ngayon at dapat di na ako nagpakita. Hindi alam ni Migs na darating ako at friendly hug lang ang nakita mo." sabi ni Pia pero kay Migs lang ako nakatingin. Ayokong tingnan ang babarng ito dahil bukod sa galit ako sa kanya, nakaka-insecure siya. Ang ganda niya pa rin nakakairita!
"She's right Nel. Uhmm..."
"akala ko ba wala na kayong communication ng babaeng ito?" tanong ko. Malamig ang boses.
"Never kong sinabi na wala na kaming communication. Iniwasan lang namin ang isa't isa dahil nga inaalala ka namin. We all know na galit na galit ka kay Pia so--"
"So tinago mo sa akin?" napalakas ang boses ko pero wala akong pakialam kung pagtinginan kami ng mga tao.
"Hindi naman sa ganon. Hindi ko nalang pinaalam sayo kasi nga alam kong magagalit ka."
"Talagang galit ako! Alam mong malaki ang insecurity ko sa babaeng ito! Alam mo kung gaano ko siyang pinagseselosan sayo pero nagkikita pa rin kayo?"
"Ngayon lang ulit kami nagkita."
"Kahit na. Ngayon pa talaga ang schedule niyo ha. Samantalang ako, nasaktan, tatlong araw nagkulong sa bahay ni hindi mo makumusta man lang kahit sa text o tawag. Pero sa Pia na ito, may panahon kang makipagkita? What the hell, Migs!"
"Please Nel, sabi ko naman na biglaan ang pagpunta ko rito. Walang alam si Migs. Sorry kung nagseselos ka--"
Pinutol ko si Piang mahadera. "Ikaw, naghahanap ka yata ng sakit ng katawan eh. Ayaw kitang makita lalo pa't ayaw kitang kasama ang fiance ko, naiintindihan mo?" Tumango-tango siya. "I understand, Nel. Migs is yours. Wala na kami."
"Mabuti't alam mo kaya lumugar ka!" marami pa akong gustong sabihin kay Pia pero naramdaman ko na lang na hinahatak na ako palayo ni migs. Sinakay niya ako sa elevator. Lumabas agad ng building si Pia.
"Hindi pa ako tapos!" singhal ko kay Migs. Mabuti dalawa lang kami sa loob. Nakakahiya na ako.
"Let her go. Tama ang sinabi ni Pia. Totoo lahat yon."
"Pero hindi pa rin kita mapapatawad sa paglilihim mo."
"I know. Pagdurusahan ko yon basta wag ka na magselos."
"Me? Nagseselos? Ha!" ayoko aminin na tama siya. Tapos napansin kong nakangiti siya sa akin.
"You're cute," sabi niya na nagpamula sa akin pero kunwari galit pa rin ako.
"Why are you here Nel?"
Di ako sumagot.
"I miss you too," sabi niya na humarap at lumapit pa sa akin.
"Sinong nagsabing miss kita? Pilingero ka!" pero uneasy na ako sa sobrang lapit niya sa akin.
Ngumisi lang siya at tinitigan lang ako. Tuwang-tuwa siya sa pangti-trip sa akin.
Shit di ko na kaya.
I grabbed his colar, I leaned and I kissed him.
Yes, na-miss kita Migs. Sobra!  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now