Part 56

1.3K 20 0
                                    

  Mig's point of view
Nasa conference room ako with the board members. As the acting president ay kinailangan kong uma-attend ng meeting on behalf of my father.
The meeting is about some problems that they have encountered habang nasa America ako.
But it's so boring. Halata namang kayang ayusin ang problema pero kailangang idaan pa rin sa formality tulad ng boring na meeting na ito.
Pasimple akong yumuko at sumilip sa cellphone ko, tataniyahin kung ilang oras pa ang itatagal ko. Then may isang message.
Isang flight number at oras ng arrival. Walang pangalan kung kaninano galing.
At bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Kailangan kong pumunta ng airport.
Bigla akong tumayo. Napatingin ang board members sa akin. Pati ang nagsasalita ay napahinto.
"I'm sorry, ladies and gentlemen. Please excuse me." Hindi pa sila sumasagot ay umalis na ako.
--
I drove like car racer. Late na ako nang makarating sa airport. Sobrang kaba ko. Hindi ko alam pero excited ako. Why?
I'm a fool. Paano kung terorista ang nagpadala ng message sa akin? What am I thinking? Or is it because I'm expecting it to be her?
Nagbago na ba ang isip niya? Dahil ba sa pinagtapat ko sa kanya.
I looked around. Late na talaga ako dahil nakita kong 30 minutes ago na ang nakalipas nang dumating ang eroplano.
Shit. Nahihilo na ako kakaikot.
Then...
Sa isang kainan doon aynakita ko siya. Kumakain. I can't help myself from running toward her.
Nel.
Hingal akong umupo sa harap niya. Ni hindi ko alam ang sasabihin ko. Kukumustahin ko ba siya o magtatanong kung bakit siya umuwi?
"Here, eat. Mukhang di ka pa kumakain," sabi niya at initsa ang isang burger sa tapat ko.
"Nel!" nasabi ko pero hindi ko alam kung ano ang idudugtong. I kept smiling. Oh my god I'm so happy.
"Bakit ba ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay dito nagutom na tuloy ako," sabi niya na masama ang tingin sa akin.
"Nel..."
"Alam kong 'Nel' ang pangalan ko, di mo kailangang ipaalala."
"I'm... I'm so happy you're here!" sa wakas ay nasabi ko.
Nagkatitigan kami. Namula siya at umiwas agad ng tingin. "Me too," bulong niya.
Pinagpatuloy niya ang pagkain. Halatang ayaw muna niyang makipag-usap kaya sinabayan ko na siya.
--
Masayang-masaya ako habang papaalis kami ng airport. Ngunit nawala ang ngiti ko nang makita kung gaano kakaunti ang dala niya.
"You're not staying?" tanong ko habang pinapasok sa compartment ang dala niya.
"Nabalitaan kong marami pa kaming pera kaya konti lang talaga ang dala ko," aniya at nauna nang sumakay.
Anong ibig niyang sabihin? Is she staying or just to visit.
Pero nasa Pilipinas na siya. Hindi na siya pwedeng umalis.
Sa byahe ay tulog siya (or kunwaring dahil ayaw niyang makipag-usap). I kept looking at her. Parang hindi ako makapaniwalang narito siya sa tabi ko. I missed her so much at napakasaya ko.
"Stop staring at me. Baka maaksidente tayo!"
Nagulat ako nang malamang gising nga siya kaya itinabi ko ang kotse sa daan.
"You're awake?"
"Hindi. Nagsasalita talaga ako pag tulog," aniya.
Natawa ako. Parang mga teenagers ulit kami. I miss this.
"Bakit ka umuwi?" tanong ko.
Tumingin siya sa labas ng binatana. "Gusto ko eh."
"Bakit gusto mo na?"
"Kasi miss ko na si dad."
"Binasa mo yung sulat niya?"
Tumango siya ngunit di pa rin tumitingin sa akin. I leaned at sinapo ang baba niya paharap sa akin. Nagtama na rin ang mga mata namin. "It's good that you miss him."
"I miss you too," sabi niya na ikinagulat ko.
Inalis niya ang palad ko sa baba niya para tumingin ulit sa bintana. Pero tuwang-tuwa na naman ako sa sinabi niya.
I miss you too...
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pinaharap ko ulit siya, hinawakan sa baba sabay sabing: "It's good that you miss me too."
Saglit kaming nagtitigan. I moved. She moved. The suddenly, we are kissing each other.
With all our hearts.
--  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon