Thirty Eight

1.4K 19 0
                                    

  Napabuntong hininga ako sa sarili ko habang nagsasalamin. Pupunta ako sa bahay ng mga Lazaro, kung hindi lang nakakahiya kay tita Ana, hindi talaga ako pupunta.
I checked my phone. Nagtext si Charlie na kung okay lang ako. I replied. Sinabi ko sa kanya ang problema ko kay Migs. Na pakielamero ito sa buhay ko at pinakanakakainis na tao sa lahat.
Napa-ngiti ako sa reply ni Charlie. Binigyan niya lang naman ako ng 4-lined poem, saying I should not let Migs affect me.
Sa kabila ng kilig ko ay kinabahan ako. Naalala ko ang pustahan namin ni Migs kanina.
..
Tuwang-tuwa si tita Ana nang dumating ako. Niyakap pa ako at hinalikan sa pisngi. Bumeso rin ako kay tito Jun. Si Migs naman ay huling dumating, looking fresh.
Napalunok ako nang mapagmasdan siya. Ang gwapo niya... No, georgeous niya sa Batman shirt niya, tapos ang buhok niya basa pa. At ang bango niya.
''Glad you came,'' sabi niya habang sinabayan ako sa dining area.
''Matitiis ko ba naman si tita?'' sagot ko.
..
Sa hapag ay nangingibabaw si tita Ana. Alam ko na kung bakit niya ako inimbitahan ngayon.
"Wala pa po akong balak sa debut ko,'' sagot ko.
"Hay naku. Ilang buwan nalang, Nel. Dapat nagpaplano na tayo. I promised your mom na ako bahala sa pinaka-importanteng birthday mo. Sigurado namang hindi mag-eefort ang tita Becca mo.''
well, sa totoo lang, gusto ko rin ng magandang debut party. Kahit hindi kasing bongga ng ilusyonada kong step sister. Na-excite ako bigla sa ideyang iyon.
"And Migs will be your escort!"
Napatingin ako kay tita Ana, then kay Migs na nakatingin din pala sa akin.
"Pero... nag-escort na po siya nung kay Pia--"
"Is that a problem, Nel?" tanong ni tito Jun.
Gusto kong sabihin oo. Naalala ko pa ang pagsira ni Migs sa promise niyang debut ko lang ang papayagan niyang maging 18th rose siya.
''Ah ano po kasi... There's someone..."
Natigilan ako nang mapansin kong binitawan ni Migs ang kubyertos niya at sumandal sa upuan, looking at me. Pero kay tita ako tumingin.
''There is this guy. Nanliligaw po siya and I admit na I like him.''
Mukhang si tita Ana ay hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Pero manliligaw lang pala. Why not Migs?"
"Tita, si Migs may girlfriend na. Hindi po maganda lalo na kay Pia. Knowing na may alitan kami." sabi ko.
"Pero magkakababata kayo, mas close pa sa magkapatid."
"It's okay, Ma. It's not good to force her," singit ni Migs at umalis sa hapag.
"I know nasa trabaho ako palagi pero I know my son. You just hurt him, just now." Sabi ni tito Jun na napapailing. "Kabataan talaga."
Really? I hurt him? Eh sino ba ang naunang manakit?
At bakit ako nakakaramdam ng guilt at hiya sa mga-asawang kasama ko.
''Talk to him, dear," sabi ni tita Ana.
..
Napilitan akong sundan si Migs. Nasa-upo siya sa gilid ng pool at tinatampisaw ang paa sa tubig. I sat beside him.
''Para kang bata sa inasal mo,'' sabi ko.
''You know that we've talked about it years ago, right? I would be your 18th rose. Tapos babawiin mo ngayon?''
Nainis na naman ako. "I still remember, stupid! Hindi ako nangako, ikaw! You promised that it would only my debut party! Pero last year, naging escort ka ni Pia! So ikaw pa galit?"
Natahimik siya sandali. "I know, Nel. That's a mistake. And I want to make it up to you."
"Hindi na kailangan. I have Charlie now," sabi ko kahit hindi ko sure kung ano ang sinabi ko.
"Not yet," sabi ni Migs. "tomorrow, kapag wala siyang ginawa, you will leave him. That means, wala kang choice kundi tanggapin ako as your escort on your birthday."
Tinitigan ko siya ng masama, nakatingin rin siya na may paghahamon sa akin. Patagalan kami. I won't let him win sa eye-to-eye battle namin. Kahit dito man lang, manalo ako sa kanya.
Then I realized na lumalapit ang mukha niya sa akin. I can smell him, I can feel his breath.
Oh my god! What is he doing?
Is he going to kiss me?
Napikit ako as a reaction.
At bakit ako pimikit?
At bakit walang nangyayari?
Pagdilat ko ay diretso na ang katawan niya, hindi na nakaharap sa akin.
Napansin ko ang pagyugyog ng balikat niya.
Tumatawa siya!
Shit, nanalo siya! Natalo na naman ako!
Madaya! Pinaasa niya ako na iki-kiss niya ako para lang mapapikit ako. Cheater! Gusto ko siyang sigawan pero namumula na ako sa pagkapahiya. Lumalakas pa ang tawa niya.
Akma ko siya itutulak sa pool pero napigilan niya ang braso ko. I can feel the heat of his skin. The intensity of his eyes on me.
Nahahawa na yata ako kay Charlie. Nag-iisip na rin ako ng pa-tula!
''I won,'' sabi ni Migs na natatawa pa rin.
Bigla niya akong hinila at pareho kaming bumagsak sa tubig.
Umalingawngaw ang tawa niya at ang tili ko sa buong kabahayan.
Note: Kung totoo lang ito... Kung totoo lang...  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now