Twenty Two

1.3K 21 0
                                    

  Pumunta nga ako ng clinic at nakiusap ako na pauwiin nalang. Nang tanungin nila ako kung ano ang nangyari ay sinabi ko lang na nasobrahan ako sa practice ng volleyball (may volleyball practice nga kami ng araw na iyon). Wala namang nag-report about sa away nila Migs. Sino nga naman kasi ang maglalakas loob na magsumbong?
Nang makauwi ako sa amin inilugay ko ang buhok ko para walang makapansin sa nagkakakulay ko nang pisngi. Nagkulong ako sa room ko.
.
Bago mag-gabi ay may kumatok. Nang buksan ko ay si Migs. Agad niyang hinawakan ang mukha ko at sinipat ang pisngi ko. Mabuti nalang at hindi na iyon masyadong namamaga.
''You're stupid girl. Iharang ang sarili sa nag-aaway?'' Inirapan ko siya. Ako na nga ang nagmalasakit samantalang ang sanhi ng away nila na si Pia ay pinanood lang sila.
''Kawawa na kasi si Matt.''
''At nag-alala ka kay Matt kaysa sa akin?''
''Duh. Eh talong-talo siya sa'yo eh.''
''Nel, ginawan niya ng masama ang kapatid mo! I did that for her. Hindi ka ba nag-aalala sa kanya? Sinabi ko naman na sa'yo ang nakaraan niya di ba?''
Medyo nakonsensiya ako. Kahit muhing-muhi ako kay Pia ay naaawa naman ako sa kanya.
Hindi na ako sumagot. Naramdaman ko nalang na hinahaplos niya na ang pisngi ko. ''I'm sorry, Nel. Kasalanan ko kaya nadumihan ang maganda mong mukha. Does it hurt?''
Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ngayon ko lang napansin na ang lapit-lapit niya pala. Tumango ako.
Unti-unting bumaba ang mukha niya papunta sa akin. Sunod-sunod ako napapalunok lalo na nang magtapat ang mga labi namin. Pero huminto siya nang ilang pulgada. Lumipat ang mga labi niya sa pisngi kong may namamaga.
Pakiramdam ko ay tatalon na ang puso ko sa sobrang kaba. Or excitement?
''Sabi nila nakakawala raw ng sakit ang kiss. Effective ba?'' tanong niya habang nakangiti at namumula. Alam ba niyang nabitin ako? Dahil hindi ko mahanap ang dila ko ay tango lang ang isinagot ko. Wala na nga ang sakit. Actually kahit ano wala na akong maramdaman maliban nalang sa puso ko ngayon!
Saglit pang nag-stay si Migs para bilinan ako ng kung ano-ano. Binigyan niya rin ako ng gamot sa pamamaga. Habang nangyayari iyon ay lalo lang akong nahihirapang huminga.
''I have to go. Basta lumayo-layo ka sa Matt na iyon. Ayokong mangyari sayo ang ginawa niya kay Pia. I could kill him--twice kahit dulo ng daliri mo lang ang hawakan niya.''
Nang makaalis na si Migs ay tsaka lang nag-normal ang takbo ng puso ko.  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now