Part 68

1.2K 17 0
                                    

  ASAP talaga ang ginawang preparation sa kasal namin ni Migs. Excited na siya pero mas excited ako. Di ko akalaing habang buhay kong masosolo ang one only na lalaking minahal ko sa tanang buhay ko. Iniisip ko na agad ang mga to dos ko pag kasal na kami:
Una syempre insurance na matutustusan namin ang pangangailangan namin. Pangalawa, gumawa ng anak (LOL), pangatlo, gumawa ng pangalawang anak at pang-apat, alam niyo na yon.
Pero hindi pa maayos ang lahat. Oo ayos na kami ni Pia, pero ang bruha niyang ina ay bumabagabag pa rin sa akin. Alam ko wala na akong pake dahil si dad na ang nagsabi non. Pero hindi pa rin ako matahimik.
Isang araw nagulat nalang ako nang datnan ko ang bruhang iyon sa bahay sa sala. Magkausap sila ni papa at kulang nalang ay kaladkarin ko siya palabas hila-hila ang buhok niya. Pero binigyan ako ng warning look ni dad saka nagpaalam nang umalis si Becca. Masama ang tinging binigay ko sa kanya bago makaalis.
"Ano'ng ginagawa ng babaeng iyon sa pamamahay natin? Gusto niya pa ulit manghingi ng pera? Nakikipag balikan siya?"
"Calm down, Nel. Kahit pa na iyon ang dahilan ay di ko siya pagbibigyan."
"So bakit siya nandito?"
"I invited her."
"Why?"
"To finish everything. I told you ako na ang bahala diba?"
"Yes. Ano na ang nangyari?"
"Well, she's still mad sa ginawa mo. But I think papunta na kami sa white flag."
"Pag nangyari yon, ano na?"
"Kung ang iniisip mo ay babalikan ko siya, nagkakamali ka. Oo at niloko niya ako. Tanggap ko na. She still loves her man. And I still love your mother. So I guess, magiging masaya nalang ako para sa aking Princess Nel. Ikaw lang anak ay masaya na ako."
I was touched by his words. I hugged him.
"I love you, dad."
"I love you too, princess."
--
Nagulat ako nang kinagabihan ay tumawag si Migs. Sinabihan niya akong dumungaw sa bintana. Nang ginawa ko nga ay nakita ko siya sa tapat ng bahay, may hawak na basket.
Naalala ko bigla nang i-surprise niya ako nang birthday ko few years ago. Parang nagbalik na naman ako sa nakaraan.
Tulad ng dati, maliwanag ang buwan. Walang ingay kaming pumunta ng garden. Naglatag ng blanket at nag-picnic.
"Bakit ka biglang nag-ayang magpicnic?" tanong ko.
"Maliwanag kasi ang buwan at nami-miss na kita."
"Nagkita lang tayo kanina."
"I know. Pero miss pa rin kita."
Bigla akong kinilig at pinisil siya sa ilong. "I miss you too."
Binaba niya ang kinakain niya at mataman akong tinitigan.
"Naaalala mo ba na dito naganap ang first kiss natin?"
Pinamulahan ako bigla. Oo nga. Sa mismong pwesto namin ngayon naganap ang incidental kiss na yon.
Hinawakan ni Migs ang likod ng ulo ko. Hinagkan niya ang tuktok ko. Tapos ang noo ko, ilong ko, magkabilang pisngi, baba... Leeg...
Letse bakit ang tagal sa lips?
Pinigilan ko siya sa ginagaw niya at siniil siya ng halik sa labi. Medyo di siya kaagad nakapag-react ngunit pagkalaon ay hinahagkan niya na rin ako.
Ayoko nang matigil ang ginagawa namin kahit parang nagiging mapusok na kami, kaso si Migs ang tumigil.
"I can't wait to marry you, Nelmirya."
Alam ko ang sinasabi niya. Tulad niya ay hindi rin ako makapaghintay.
Inabutan niya ako ng pagkain. "Ito nalang muna ang atupagin natin," sabi niya sabay kindat.
Bitin pa rin ako. Pero ano ba naman ang ilang araw na paghihintay? Naghintay nga kami ng maraming taon para sa isa't isa diba?
"Gusto ko isang taon tayong mag-honeymoon para sulit na sulit ang pagtitiis ko," biro ni Migs at malisyoso niyang kinagat ang apple habang titig na titig sa akin.
Binatukan ko siya para di halatang na-excite ako sa sinabi niya.  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon