Part 62

1.2K 12 0
                                    

  "Success po, ma'am Nel. Napawalang bisa ang pag-aari nina Becca sa lupa. Ilang linggo na lang ay kailangan na nilang i-surrender ang lupa at isara ang salon nila."
"Very good, Mr. Cruz. Thank you so much."
Ibinaba ko na ang telepono at tahimik na napatingin sa malayo. I feel contented. But I am not happy. Migs hasn't given any signs of him. Matigas siya. Pero mas matigas ako.
"I hate you!" sigaw ko kahit hindi naman niya maririnig. Para makalimutan siya ay bibisita nalang ako sa ipapasarang salon ni tita Becca. I think it's time to make an appearance.
Wala pang isang oras ay nakarating na ako sa lugar. Nagpasama ako sa driver namin para baka sakali kung patayin ako ni Becca.
"Close" ang nakalagay sa pinto ngunit pumasok pa rin ako dahil may mga tao naman sa loob.
"Close po kami ngayon," salubong sa akin ng isang bading.
Hinanap ko sa lugar si Becca. Nasa may dulo siya at nakatalikod. Mukhang umiiyak dahil nagshe-shake ang balikat niya habang nakayakap sa isa pang bading.
"It's okay. I just came to visit," sagot ko sa bading na sumalubong sa akin at lumakad na ako sa kinaroroonan ni Becca.
"Tita Becca! I'm so glad to see you." Sabi ko na may matamis na tono. Plastic.
Napaharap siya sa akin. Mugto ang mga mata niya. "Nel?"
"Ye, it's me! I just came here to visit you. I just want to make sure that you're doing alright. O! this salon looks awesome. Paano ka nagkaroon ng ganitong business tita?"
Ang mukha niyang lito ay nagalit. "Ginawa mo ito no? Ikaw ang kumuha ng lupa namin?"
Nagpakawala ako ng nalolokong tawa. "Tita, I did not. Bakit ko naman aagawin ang lupang ito?"
Unti-unti siyang lumapit sa akin. "Alam kong ikaw ang dahilan ng pagkawala ng salon at lupa namin. Alam ko dahil galit ka sa nangyari sa amin ng tatay mo!"
"Oh, is that so? Hindi ko iyon alam, tita. Pero kung iyon nga, mabuti naman kung ganon."
"Walang hiya ka!"
Bago ko pa malaman ang gagawin niya ay dumapo na ang palad niya sa pisngi ko. Napasalampak ako sa sahig. At bago pa ako matauhan ay hila na niya ang buhok ko."
Nagtilian ang mga bakla sa salon. Pinipigilan nila si Becca ngunit matindi ang kapit niya sa buhok ko. Gusto kong lumaban ngunit masyadong masakit.
Hangga't sa nahila na siya palayo sa akin. Nagsisigaw pa rin siya.
"Pagbabayaran mo 'tong ginawa mong babae ka! Makikita mo! Papatayin kita, hayop ka!" sigaw niya habang pinipigilan siya ng iba.
Tinulungan ako ng driver na nahuling pumasok ng salon.
"Okay lang po kayo ma'am?"
"Hindi. Pero nakuhanan mo ba?" tanong ko.
Pinakita niya sa akin ang hawak niyang video cam. "Opo."
"Good. Now let's go."  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now