Fifteen

1.5K 29 0
                                    


  Pagbalik ko ng bahay ay inulit lang ni papa ang mga sinabi ni Migs. Pinagalitan niya rin ako. Iniisip ko tuloy na baka sila ang mag-ama.
Nang gumabi ay nag-ayos na ako. Tinandaan ang beauty tips ni Paola at nagpaganda nga ako. Sa bahay ngayon magdi-dinner sina Migs at nag-aalala ako dahil makikita ko siya at si Pia. Isipin palang na mag-usap sila sa tabi ko ay naiinis na ako.
Dumating na ang tatlong bisita(si Migs, si tita Ana at tito Jun). May dala silang cake na alam kong si tita Ana ang nag-bake. Sa dinner namin ay napapagitnaan ako nina Pia at tita Becca. Si Migs naman ay opposite si Pia kaya madali silang magka-sulyapan. Lalo akong naiinis.
Halos ang mga nakakatanda lang ang nag-uusap. Madalas si tita Ana. Kapansin-pansin na bukambibig niya ang old days, lalo na nung mga panahong bata pa kami ni Migs: na dati nakikitulog pa ako sa kanila katabi si Migs, na dati palagi kaming sabay pumasok at umuwi ng school, na dati naglalaro kami ng kasal-kasalan. Namumula na ako nun dahil parang may ibig-sabihin si tita Ana, lalo na at parang pinaaalam niyang si Migs at ako ang dapat magkatuluyan (pero natutuwa rin ako sa kanya). Si tita Becca ay parang pikon na kay tita Ana dahil pilit niya ring binibida si Pia (sabi niya bata palang daw si Pia ay sumasali na sa beauty pageant. Who cares? Duh).
Si Pia naman ay hindi ko masabi kung ano ang nasa isip dahil tahimik lang siya. Si Migs nakikisali sa usapan paminsan-minsan. Okay na sana ang dinner namin nang mapansin kong panay ang ''paki-abot naman yung ulam, Migs,'' ''paki abot yung tubig'' etcetera ni Pia na ikinataas ng kilay ko. Pwede naman sa akin siya mag-utos (dahil mas abot ko yung kailangan niya) pero si Migs pa rin ang inuutusan niya. Pa-prinsesa pa rin kahit hindi niya moment. Lalo tuloy akong nadedemonyo kaya kunwari may kukunin akong ulam malapit sa kanya at sinadya kong patamaan ng braso ko ang tubig niya. So iyon, tumapon sa kandungan niya yung tubig. Napatayo siya at nagulat ang lahat. Agad naman akong nagsabi ng 'sorry'. Matalim ang tingin niya sa akin at umalis para ayusin ang sarili niya. Si Migs naman ay iba rin ang tingin sa akin bago sinundan si Pia (feeling hero na naman siya!). Nag-uusap na ulit ang matatanda at na-OP ako kaya naisip kong sundan yung dalawa. Nasa kitchen sila at malayo palang ako ay dinig ko na ang usapan nila kaya nagtago muna ako. ''Ayaw ba sa akin ng mama mo? Bakit kakaiba ang tingin niya sa akin. Alam ba niya ang nakaraan ko?'' sabi ni Pia. ''No. Ganoon lang talaga si mama.''
''Gustong-gusto niya si Nel kahit iba ang ugali.''
Aba ano'ng ibig sabihin ng babaeng ito?
''What do you mean?'' tanong ni Migs.
''Sinadya niyang mabuhusan ako ng tubig! Hindi mo ba nakita? Maldita talaga siya eh. Ano ba ang nagustuhan niyo sa kanya?''
NAKAKAPIKON NA ANG FEELING PRINSESA NA ITO AH!
''May pagka-pilya talaga si Nel at nakasanayan ko na siya. Hayaan mo pagsasabihan ko.''
''Nakakasakit na siya Migs! Pwede ba tulungan mo naman akong makaiwas sa kanya?'' naku ring na rinig ko ang paawa tone ng babaeng iyon. Siya, iiwas sa akin? Good luck.
Narinig ko nalang ang boses ni Migs na: ''Don't worry. Hindi ko hahayaang ma-bully ka niya ulit. I promise.''
''Thank you Migs. Ikaw lang talaga ang protector ko at pinakapinagkakatiwalaan ko.''
So ganoon pala ang style ni Pia. Magpapaawa tapos pupuriin ng matatamis na salita si Migs para makuha ang gusto.
Now I know kung bakit may nagiging masama dahil iyon sa mga katulad ng step sister ko. Kung nagpapaka-prinsesa siya at savior niya si Migs, mas gugustuhin ko na ang maging evil queen kesa sakyan ang kaartehan niya.
Tahimik kong kinapa ang switch ng ilaw sa kusina at pinatay iyon nang di nila napapansin, sabay alis.  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now