Forty Six

1.4K 22 0
                                    

  I went to New York to find Nel. Hapon na nang makarating ako at hinanap kaagad ang coffee shop na pagmamay-ari niya at ng dalawa pa niyang kaibigan. base sa info, ngayong araw nakatoka si Nel sa pagbabantay coffee shop which means na naroon siya.
Papasok palang ako ay dumagundong na ang puso ko. Masyado akong nasasabik na makita at makausap siya ulit. I wonder kung ano'ng magiging reaction niya pagnakita niya ako. Nang makapasok ako sa loob ay tumingin agad ako sa counter. May ilang babae na nakauniform na green ang nagse-serve at isang babaeng naka-formal. She is not Nel but I can tell that she's familiar. Saan ko ba siya nakita?
Umupo agad ako sa isang vacant table. May lumapit na babae sa akin at inabutan ako ng menu. Napilitan akong umorder dahil umaasa ako na makikita ko si Nel dito.
Narinig ko ang bell sa front door. May pumasok at agad umangat ang tingin ko.
Halos nawala ang senses ko maliban sa sense of sight nang makilala ko ang babaeng kapapasok lang.
Nelmirya...
Alam kong malaki ang pinagbago niya. I expected this. Pero iba pa rin kapag nangyayari na talaga.
She still has her black hair. Mas mahaba na. She's wearing make up. Babaeng-babae ang kilos, with confidence.
She has a woman's body, unlike dati na pang teenager pa talaga.
She's... Gorgeous. Nalimutan ko na yata ang huminga.
"Sir?" yung waitress ang gumising sa akin. Nagturo nalang ako ng kahit ano sa menu para may mailista siya at ako naman ay nakasunod pa rin ang tingin kay Nel.
She didn't notice me. Diretso siya sa counter at sinalubong ang babae doon. Hula ko ay isa iyon sa business partner niya.
Lalong bumilis ang dagundong ng puso ko. Gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin nang mahigpit.
Shit. Ngayon lang ako nawalan ng maiisip.
"Kumusta naman kayo ng nireto ko?"
"Hay naku. Ayoko sa kanya," boses ni Nel."
"Don't tell me waley din si Paul sa'yo dahil hindi niya maabot standards mo."
"Iyon na nga. Tsaka Joy, tigilan niyo na pagse-set ng date sa akin. Alam niyo naman wala ring patutunguhan yon."
"Sus! Ang sabihin mo, hindi ka pa rin--"
"Akin na to. Ako na magbibigay sa costumer," dinig kong putol ni Nel sa kaibigan niya. Napangiti ako dahil tumatakas siya sa usapan nila. So wala nang Paul sa buhay niya?
Hindi ko namalayan na siya pala ang papalapit sa lamesa ko, dala ang inorder ko. Hindi ko inasahan iyon kaya napatitig lang ako sa kanya.
She wasn't looking at me directly. At nang ilalapag na niya ang order ko sa lamesa ay tsaka niya ako nakilala.
Our eyes met. Matagal.
I smiled at her. "Nelmirya."
napalunok siya and said, "Miguel."
Then bigla siyang na-tense at nabitawan ang dala.
"I'm sorry. I'm sorry sabi niya habang tarantang dinampot ang nahulog. I helped her.
"It's okay," sabi ko. Sinadya kong hawakan ang kamay niyang may hawak na ng cup. Nabitawan niya ulit iyon dahil iniwasan niya ang kamay ko.
"Ma'am, let me clean this. It's okay ma'am," sabi ng dumating na waitress.
Tumayo na nga si Nel at lumapit sa counter. Sinundan ko siya.
Pinupunasan niya ang kamay niya nang makalapit ako.
"Can we talk?"
"Bakit ka nandito, Migs?" she asked pero hindi tumitingin sa akin.
"What's with the attitude, Nel? Hindi mo ba ako na-miss?"
She didn't reply. Napansin ko ang kaibigan niyang nakangiti sa akin.
"Hi," sabi niya. "Remeber me, Migs?"
"You're Joy. Nel's friend."
"Right!"
"Excuse me," ani Nel habang patungong comfort room.
Gusto ko siyang sundan pero nagsalita si Joy. "Hayaan mo muna siya. Shock pa siya. Ikaw naman kasi, ang hilig mang-surprise."
"I just want to see her. Kumusta siya?"
"She's good. Healthy with proper job. Pero walang love life."
Medyo may something na gustong iparating si Joy.
"Bakit?"
"Well, may standard siya sa lalake na mahirap naman talagang makuha ng boys dito. Ikaw kasi."
"Me?"
"Duh." Ewan ko kung anong ibig sabihin ng sagot niyang 'duh.'
"She dated many guys pero nagtatagal lang ng isang date. Kahit nung college siya. Nakailang blind date din 'yan last month pero wala talaga. Ewan ko ba."
Natuwa ako sa impormasyong nakuha ko. Nabuhayan ulit ako ng loob. Mahal pa rin kaya ako Nel?
Baka alam ni Joy ang sagot. "Do you think... Is she..." paano ko ba itatanong kung mahal pa rin ba ako ni Nel?
"Virgin? Oo naman, ano kaba!" walang hiya-hiyang sabi ni Joy. Namula ako sa sinabi niya dahil eskandalosa pala ang bibig niya.
"No. What I want to ask if she still has feelings for me."
Ngumiti si Joy. Ang tingin niya ay nasa likod ko. "Why don't you ask her, loverboy?" nang sundan ko ang tingin ni Joy ay nakita ko si Nel na lumalabas na ng coffee shop.
"Okay, Bye Joy. Nice to see you."
nagmamadali akong sundan si Nel. Nang mapansin niyang nakasunod ako ay lalo siyang nagmadali.
This is harder than I thought.  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now