One

4.1K 66 1
                                    

  Ako si Nel. Nag-iisang anak ng may kayang pamilya. Pero noong Ten ako, namatay ang mama ko dahil sa cancer. Syempre masakit, mabuti nalang nariyan si papa-- at si Migs.
Sa iisang compound lang kami nakatira. Magkakaibigan ang parents namin ni Migs, at dahil only child din siya, nagturingan na kaming magkapatid. Sabay lumaki, palaging magkasama at best friend ng isa't isa. Lalo kaming naging malapit nang mawala si mama. Palagi siyang nakabantay sa akin na para bang takot siyang umiyak ako ulit. Dahil doon ay na-spoiled ako sa kanya, lalo na at 3 years ang tanda niya sa akin na kung makaasta siya ay kuya ko na.
After 5 years nang mamatay si mama, nag-asawa ulit si papa. Ang asawa niya, si tita Becca (na hindi ko mawari ang ugali dahil tahimik siyang tao), ay may anak sa pagkadalaga, si Pia. Nang una kong makita si Pia ay bigla akong tinubuan ng pagkainggit at insecurity sa sarili. Napakaganda niya. Maputi (ako morena), mahaba at maganda ang kulot na buhok (ako bagsak ang buhok), makurba (ako kawayan), at maamo ang mukha (ako resting bitch face). Mas matangkad ako, yun lang ang panalo ko. Hindi ko alam kung paano ko siya tatratuhin. Laki siya sa hirap kaya nakiusap si papa na pahiramin ko siya ng gamit ko at isama sa mga lakad ko. Iyon ang problema dahil ang mga lakad ko ay palaging kasama ko si Migs. Nakaramdam ako ng negative feeling isipin palang na magmi-meet silang dalawa. Aaminin ko, umpisa pa lang ayaw ko na sa step sister ko. At mas ayaw kong maging bahagi siya ng pagsasamahan namin ni Migs. Pero nang araw na ipakilala ko sila sa isa't isa, alam ko na na may malaking pagbabago ang mangyayari sa masaya kong buhay...  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon