Five

1.6K 30 0
                                    


Hangga't sa gumaling si Pia ay ramdam ko pa rin na para kay Migs ay may kinalaman nga ako sa nangyari sa step sister ko. At tulad ng inaasahan, nagsumbong si tita kay papa tungkol sa pananagot ko kaya pinagsabihan ako ng papa tungkol sa di tamang pagsagot sa nakatatanda.

Gusto ko na naman tuloy magrebelde dahil ako na naman ang kontrabida sa paningin ni papa at ni Migs. Si papa palaging ang step mom ko ang nakikita, si Migs naman ay si Pia. Pakiramdam ko tuloy wala na akong kakampi. Ang mga mahal ko sa buhay ay naagaw na sa akin!

Lumipas ang mga araw hangga't sa dumating ang birthday ni Pia. Oo at dalawang taon ang tanda niya sa akin at naiinis ako dahil naunahan niya akong magdebut. Hindi naman sa matapobre ako pero nakakalula ang gastos nila sa party niya. Ang daming abubot, handa at isang barangay na tao yata ang invited na halos hindi magkasya sa garden namin. Maraming bisita na hindi ko kilala.

Halos lahat masaya, lalo na si Pia. Lahat nasa kanya ang pansin, maging sina Papa at Migs ay siya ang nakikita. Paano ba naman ay napakaganda ni Pia sa suot niya, ang mamahaling gown na alam kong hindi babagay sa akin. Ako, nasa isang tabi, suot ang isang gown na pagmamay-ari ni mama noong nabubuhay pa siya. Simple lang ito pero pambihira naman ang ganda sa mata.

Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa daloy ng party. Hangga't sa mamalayan ko na lang na sayaw na pala ng 18 roses. Sa umpisa ay kinaya ko pa ang bigat sa dibdib ko habang nakikita ang kislap sa mga mata ni Pia, pero nang si papa na ang sasayaw sa kanya, halos tawagin ko si mama dahil pakiramdam ko nauulila ulit ako.

Tapos nang si Migs na, ang paghawak niya palang sa kamay at patitig kay Pia ay tuluyan na akong napa-walkout at nagkulong sa kwarto ko.

Sabi ko sa sarili ko na hindi dapat ako umiyak. Pero hindi ko na kinaya at binasa ko ng luha ang unan ko habang naririnig ang ingay ng kasayahan sa labas.

Paano na ba ako?  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now