Eleven

1.6K 31 0
                                    

  Nagpaalam na rin agad si Migs dahil nga sobrang aga pa. Pinaliwanag niya rin kung bakit teddy bear ang gift niya: ''Last chance ko na ang magregalo ng pambata sayo kasi next year, 18 ka na, dalaga ka na.''
wala akong masabi sa kanya dahil nga hindi pa ako maka move-on sa first kiss ko. Parang siya naka-get over agad. Napatda pa ako nang hawakan niya ako sa baba at halikan ako sa pisngi. Lalo akong nag-blush. Nang makaalis siya ay bumalik ako sa higaan ko, yakap-yakap ang malaking bear.
Alam kong hindi ako ang first kiss ni Migs. May mga naging girlfriend na siya pero hindi na niya painakilala sa akin. Noong 14 si Migs, pinakilala niya sa akin ang first gf niya. Akong si maldita ay pinagtripan at binully lang ang dyowa niya. Simula noon ay never nang pinakilala ni Migs ang mga sumunod niyang girlfriends. Safe move.
Nakatulog ulit ako na hawak ang lower lip ko habang inaalala ang first kiss ko.
Nagising ako sa katok sa pinto. Pumasok si manang at sinabing may bisita raw ako. Sino kaya? Tapos naalala ko si Joshua. Oo nga pala may usapan kami. Binaba ko siya sa sala. Napatayo siya sa sofa nang makita ako at ngumiti. Ang pogi niya sa ayos niya samantalang ako ay naka PJ pa. ''Pwede ka bang lumabas ngayon?'' Nag-isip ako. Tutal walang nakaalala ng birthday ko maliban kay Migs, at sabado ngayon, well bakit hindi? Nagsabi akong magbibihis muna bago siya iwan. Saan niya kaya ako dadalhin? Ano kayang gift niya?
Nang makapgbihis ay nakasabay kong bumaba si Pia. Kagigising niya lang. Para talagang siyang prinsesa at palaging tanghali magising. Pero ang nakakainis, kahit kababangon ay ang ganda niya pa rin.
''Let's go!'' sabi ko kay Joshua.
''Hi!'' bati ni Pia sa manliligaw ko. Binati rin siya ni Joshua. At dahil obligado akong magka-manners ay pinakilala ko sila sa isa't isa. Sinabi kong mga 8pm ako uuwi kay Pia at manang. Wala si papa dahil sa work at siguradong tulog pa ang tita Becca. Hinila ko na agad palabas si Joshua dahil baka maakit o akitin pa siya ng step sister ko.
Paglabas namin ng gate ay laking gulat ko may magarang sasakyan at isang lalaking naka-abang. Driver? Alam kong may kaya si Joshua pero hindi ko talaga alam kung gaano kayaman itong si Joshua. Pagsakay namin sa sasakyan ay sinabi niyang bawal pa siyang mag-drive.
Nagkwentuhan kami ng kuna ano-ano at nakakatuwa talaga siyang kausap. Pero sumisingit pa rin sa isipan ko si Migs at ang namagitan sa amin kanina.
''Here we are!'' dinala ako ni Joshua sa isang malaking bahay. I mean, eleganteng bahay. Gaano ba kayaman itong si Joshua? Wala raw ang parents niya at nag-out of town. Sa hardin nila niya ako dinala. Hardin nga ba iyon o paraiso? Nakakamangha talaga ang lugar na iyon at wala na akong time i-describe dahil may nag-aabang na pala picnic table sa gitna noon at iba't ibang pang-mayamang bagay. Pero nagpicnic na kami ni Migs kanina sa ilalim ng buwan. Ngayon, sa piling ni Joshua ay under the sunset. Mabuti nalang makulimlim dahil nasa ilalim kami ng maliit na puno.
Joshua is amazing. Halos perfect na siya kung paano niya ako tratuhin. Sa huli nang mapagod kaming magkwentuhan at mabusog, inilabas na niya ang isang maliit na kahon. Nang buksan ko iyon ay isang silver bracelet na may mga bato sa paligid. Sa sobrang kinang ay tingin ko hindi babagay sa skin tone ko. Sinabi kong sobra na iyon kay Joshua pero pinilit niyang tanggapin ko. Sinuot niya iyon sa akin at muli akong binati ng Happy Birthday. Kinuha niya yung gitara niya at kinanta ulit ang kanta kaninang madaling araw. Kinilig na naman ako. At dahil sa emotion ko, hindi ko namalayan ang paglapit niya sa akin at hagkan ako sa pisngi. Na-shock ako. Ngitian niya ako at nagsorry dahil hindi daw niya napigilan ang urge na halikan ako. Ang ganda ko raw talaga kasi.
Namula naman ako dahil hindi ako sanay sabihang maganda. Grabe ang araw na ito. Nakadalawang first kiss ako.  

The Evil QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon