Ten

1.6K 27 0
                                    


  Reasonable naman ang paliwanag ni Migs pero kahit anong pag sang-ayon ng isipan ay kabaliktaran naman ng puso ko. Lalong lumaki ang selos sa puso ko. Ang pagkakaindi ng puso ko ay ganito ''so mas mahalaga sayo si Pia kay sa sakin na matagal mo nang kilala? Bwiset!''
katahimikan. Hindi ko alam kung gaano na katagal hangga't sa magsalita siya ulit. ''Then yung about sa papa mo na busy na siya iba niyang pamilya, hindi totoo yon. He loves you.'' Nang marinig ko iyon ay lalong bumigat ang nararamdaman ko. Ang galing talaga manakit ng damdamin ni Migs. ''I know he loves me. He just loves more his 'new' family.'' doon ay pumiyak ako dahil naiiyak na ako. Tapis namalayan ko na lang na binubuhos ko na ang sama ng loob ko sa tatay ko. Simula nang makilala niya si Becca ay nabawasan na ang time niya sa akin. Nang ikasal sila ay palaging ang asawa na niya ang napapansin. Tapos ang concern niya kay Pia. Sa pagkalimot niya ng tuluyan kay mama na lahat ng alaala ni mama ay tinaggal na talaga sa bahay. Tapos ngayong birthday ko na hindi niya naalala.
Nang matapos ako ay tuloy pa rin ang iyak ko. Nakasubsob ako sa dibdib ni Migs habang siya ay yakap ako na ang isang kamay ay sinusuklay ang buhok ko. Sinabihan niya ako ng mga words na nakapagpapalubag loob.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. Tapos sa noo ko. Busy ako sa pag-iyak kaya hindi ko napansin na ginagawa niya ang traditional kiss niya sa akin since nang bata pa ako. Una sa ulo, then sa noo at sa ilong.
Magsasalita sana ako at binalak na tingalain siya dahil mas mataas nga siya sa akin. But that was my mistake dahil he was about to kiss my nose. We ended our lips touched.
Masyado kaming na-shock para makagalaw agad so magkalapat pa ng ilang seconds ang mga labi namin.
Sabay kaming napalayo sa isa't isa. Nag-iinit ang pisngi ko at alam kong siya rin. Gusto kong magsalita para mawala ang awkward moment pero namulupot yata ang dila ko.
Katahimikan.
''sorry'' sabay naming sabi sa isa't isa as we stare at each other. ''It was your nose I was to kiss.'' Tumango lang ako. Shocks! Nag-kiss kami ni Migs! NI MIGS!!!
That was... what?
Bigla ko ring narealize na iyon ang first kiss ko. My very first kiss at si Migs ang nagbigay sa akin non. Well, accidentally pero technically, lips to lips iyon. Grabe nababaliw na ako.
Hirap kami pareho kung paano matatakasan ang awkward moment na yon. Mabuti na lang ay bumukas ang back door ng bahay malapit sa garden. Dumungaw si manang at nakita kami. ''Hala. Ano'ng ginagawa niyo dyan at ang aga-aga?'' Nagkatinginan lang kami ni Migs at nagpalitan ng ngiti bago tumayo at pumasok ng bahay.  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now