Forty Seven

1.4K 20 0
                                    

  Ang bilis maglakad papalayo ni Nel pero mas mahaba ang binti ko kaya naabutan ko siya. Bigla siyang huminto at hinarap ako. Nasa parking lot kami.
"Go away."
"I will but not now, Nel. Just hear me out."
She crossed her arms on her chest. Gusto kong mapangiti. I missed her so much na kahit ang pag-aaway namin ay inasam ko. The way she looked at me, parang siya na ulit ang stubborn na Nelmirya 5 years ago.
"Talk!" gising niya sa akin na namumula na. She's blushing! Dahil ba sa lamig or dahil sa titig ko?
"We misse you. When will you come home?"
"I am home."
"You can't call it a 'home' if you're living by yourself."
"I call it a home because I am happy in it. No suffering, heartaches and annoying people!"
"Ano 'to? Hindi ako pumunta dito para idiscuss sayo ang meaning ng home."
"I know why you're here. My father sent you. Para ipaalam na miss niya na ang kaisa-isa niyang anak na tinalikuran niya para sa ibang babae. I know it Migs. He's ill, alam ko rin 'yon. But guess what? I don't care." She turned pero agad ko siyang napigilan sa braso.
We caught our breath and stared to each others eyes. Hindi ko alam kung parehas kami ng iniisip pero na overwhelmed ako sa pagdidikit ng balat namin. It's been 5 years at nahawakan ko siya ulit. My God! I missed her so bad.
She pulled away. "Umuwi ka na. Wala kang mapapala."
"Nel, he's your father! He needs you!" and I need you, gusto kong idagdag pero gusto ko siyang kumbinsihing umuwi na ang tatay niya ang dahilan, hindi ako. My ninong needs her more.
"So ngayon kailangan niya na ako?" tumawa siya, na alam kong plastic pero na-miss ko rin 'yon. "Kasi ano? Iniwan na siya ng magaling niyang gold digger b*tch? Pero 'nung mga panahong kinailangan ko siya? Wala diba? H'wag siyang umasa!"
"Nelmirya! It's over. He is your father. Hanggang ngayon ba bitter ka pa rin sa nakaraan?"
She stepped forward. Sobrang lapit. Nagpipigil tuloy akong yakapin siya at iuwi.
"Oo, Miguel. Bitter ako! Kasi kasi sobrang sakit! Sakit na hindi mo maiintindihan dahil hindi mo naranasan ang mga naranasan ko! Nawalan ako ng ina! At inagawan ako ng ama! At... at..." Hindi niya naituloy. Nag-iwas siya ng tingin.
Oh please, Nel. Don't cry.
"It's over. It's in the past. Don't make it hard. Limang taon na."
"Iyon na nga eh. Limang taon na pero fresh pa rin sa akin ang lahat. Sobrang sakit kasi." Tumalikod na siya at naglakad papalayo.
"Just tell my father that I won't come back but I will pray for his health," sabi niya habang papalayo.
She's getting away again! Hindi ako papayag. Sinundan ko siya. May kinuha akong papel sa bulsa ko.
Sumakay si Nel sa isang kotse, na I think ay kanya.
"Migs, ano ba? Can't you see? I'm happier here. Bakit kasi pumunta ka pa rito? Alam mo bang hirap na hirap ako ngayong nagpakita ka?"
I kept silent for a moment. Ganon din siya. I can see the truth. Nahihirapan nga siya.
"I'm sorry to bother you, Nel. Pero hindi pwedeng palagi ka na lang tumatakbo. Here. It's from him. Read it please." inabot ko ang papel na may message from her dad. She took it, thank God.
"Okay. Sige, tinanggap ko na. Aalis ka na ba?"
"I promised him I would take you back so... No."
Natawa siya. Kumislot ang puso ko nang for the first time nang magkita kami ay napatawa ko siya.
"Hindi ka pa rin nagbabago," sabi niya. Pero maya-maya ay namula siya at nagalit ulit ang mukha. "Hah! Nagsasayang ka lang ng panahon. Good luck nalang sa'yo!" sabi niya at pinaandar paalis ang kotse niya.
I watched her car getting away. Napapangiti ako dahil nasilayan ko ulit ang side ni Nel na iyon... Kunwari pa.
Bumalik ako sa hotel na tinutuluyan ko. Kailangan kong mag-isip kung papano ko maiuuwi si Nel.
..  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now