Part 57

1.4K 16 0
                                    

  Mig's Point of View
From that very moment, I knew that Nel loved me. She came back. Pero hindi ako magpapaka-selfish. Ninong needs her and she needs him.
Kaya agad ko siyang hinatid sa bahay nila kung saan namamalagi na ang papa niya. Wala kaming salita sa isa't isa. Magkahawak – kamay lang kami habang tinatahak ang ang pupuntahan. Mahigpit ang kapit ng kamay niya. I know this is her big time. Hindi ko hahadlangan ang pagkikita nilang ama. May ibang panahon pa para pag-usapan ang nararamdaman namin sa isa't isa.
Ako na ang nagbukas ng pinto sa kwarto ni ninong. Hindi pa tuluyang lumuluwang ang pagkakabukas ay nagtuluan na ang mga luha ni Nel. She went inside. Nang masilip ko sila ay nakita kong mahigpit nilang niyakap ang isa't isa.
At last, nagkita na ulit ang mag-ama.
-
"Wala ka bang balak magpahinga?" tanong ni dad nang sabihin kong hindi muna ako mag-aalmusal. Magkatabi sila ni mama sa dining area. Dumaan lang ako para magpaalam sa kanila.
"I have works to do," sagot ko which is true. Ako pa rin ang sumasalo ng halos ng naiwan na trabaho ni dad.
"Hmm. Ang sabihin mo, masyado mong inaabala ang sarili mo nang di mo maisip si Nel."
"What? Mama naman—"
"Akala mo ba hindi ko pansin? You're anxious all the time. Ni hindi mo mabisista sa bahay nila si Nel. Akala ko ba ay maayos na kayo?"
Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko. Yes, I think we're okay. Pero simula nang unang araw niya rito sa Pilipinas ay palagi na siyang nakabantay sa tatay niya. Siya na halos ang tumayong nurse ni ninong. Hindi naman ako nagtatampo na literal na akong naisantabi ni Nel. I just want them to have their time together. Ayoko namang humarang sa kanila.
"They missed each other, ma. At wala akong karapatang makisali. That's all, bye!" sabi ko na nagmamadali.
"Akala ko pa naman magkakaapo na tayo," narinig kong sabi ni dad.
Ako rin. Akala ko okay na ang lahat dahil nagbalik na si Nel. Mahirap din pala. Marming dapat i-consider: si ninong, ang business, si dad at si Nel. Hindi ko alam kung saan ako lulugar.
Sa office nalang yata.
-
Paalis na ako ng opisina nang makatanggap ako ng tawag galing kay mama. Balak daw nilang manood sa theatro kasama si ninong.
"Para naman makapag-solo kayoi ni Nel," sabi pa ni mama bago ibaba ang cellphone.
Halos mapatalon ako sa tuwa. Habang wala pa ang mga matatanda, masosolo ko si Nel sa muling pagkakataon!
Nang makarating ako sa bahay ay naroon na silang apat. Lalong nadagdagan ang excitement ko nang makita si Nel. Napakaganda niya pa rin kahit naka-casual wear lang siya. At sa pagtitig ko sa kanya ay ganon din kainit ang mga tinging binibigay niya sa akin.
I want to hold her right now but...
"Ehem," si ninong.
Doon ko lang naalalang batiin sila. "Hi folks. Ngayon na ba agad ang alis niyo?"
"Pinapaalis mo kami agad?" may nakakalokong ngisi si dad nang magsalita. Nagtawanan silang lahat, pati si Nel.
"Kung 'yan ba ang gusto mo edi sige."
Oh please, bilisan niyo, umalis na kayo.
Hinatid namin sila hanggang sa makasakay sila ng kotse. Binilinan ko nang mabuti ang driver.
"Kayong dalawa, wag kayong gagawa ng kalokohan ha. Tandaan niyo, may limitasyon ang lahat." Bilin ni dad. Namula tuloy kami ni Nel.
"Ano ka ba mahal. Nasa tamang edad na sila. Mas bata pa nga tayo sa kanila nung—" kung ano mang susunod na sasabihin ni mama ay napigilan na nang takpan ni dad ang bibig niya.
"O siya, sige alis na kami."
"Ingat po," sabay naming paalam ni Nel.
Then they are gone. Kami nalang ni Nel ang natira. At para na naman akong teenager sa sobrang kaba at excitement dahil kami nalang ng babaeng pinakamamahal ko ngayon.
She turned to me. I turned to her. She is smiling. At bago ko ma-process ang nangyari ay yakap na niya ako nang mahigpit. Gumanti rin ako.
"I miss you," aniya.
"Me too," sabi ko.
Matagal kami sa ganoong posisyon. Ayoko na matapos ang nagaganap ngunit kumalas siya.
"So. Wala ang mga matatanda ngayon. It's our chance to spend the time to each other. Anong plano?"
"Eveything you want. I will give it to you."
"Really? Gusto kong mag-joyride."
"Sure!"
"With your old car. At gusto kong maupo uliy sa passenger's seat non na inagaw noon ni Pia!"
Nakaramdam ako ng guilt nang marinig na naman ang pangalan na iyon sa bibig niya. Halata kay Nel na may natitira pang hinanakit sa kanya. But I don't want to mess things up kaya sinunod ko nalang ang gusto niya. My old car ay maayos pa naman ngunit hindi na masyado nagagamit. May sentimental value iyon kaya hindi ko kayang pakawalan.
Tuwang-tuwa si Nel nang makita ulit ang kotse ko na naging mahagi na ng nakaraan namin. Pakiramdam ko tuloy, bumalik kami sa dati. Yung mga panahong kami palang dalawa. Wala pa si Pia, si tita Becca at di pa ako tanga.  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now