Thirty Five

1.4K 21 0
                                    

  Dinala ako sa isang resto ni Charlie na hindi ko na pinansin kung bongga ba o hindi dahil ang buong atensiyon ko ay nasa kanya. He is gentleman, nice at mukhang matalino. Like Joshua pero may something different. Hindi ko matukoy pero may kulang sa kanya. Dahil ba sa mukha siyang nahihiya sa akin at parang hindi komportable?
''Huuy, okay ka lang ba? Hindi ako nangangagat,'' sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin at nagtanong ng kung ano-ano. Tungkol sa mga paborito ko, etc.
Sinagot ko naman. Pero ayoko ng ako lang ang tinatanong.
''So you like poetry? Ah bakit ko ba tinatanong eh sa mga binigay mo palang alam ko na.'l
''Yes. William Shakespeare is my favorite.''
''Oo gusto ko rin siya. Pero dati wala akong amor sa mga tula. Until you..''
Oh my god! Am I flirting?
''OO. Dabest ang Romeo and Juliet niya. Initials nga ni Romeo ang ginamit kong code name.''
''Yes. I think that suits you. Last 2 or years ago, nagplay kami ng Romeo and Juliet. Ako yung naging Juliet pero wala akong gana basahin yung lines ko. Mabuti nalang si Migs pinagtyagaan akong tulungan eh kasi nga raw maganda daw yung kwento at favorite niya--'' bigla akong nahinto. Bakit ba nababanggit ko si Migs.
''That's great. At least na-appreciate mo na ang story,'' sabi ni Charlie na hindi napansin ang pamumula ko.
..
Dinala naman niya ako sa isang theater kung saan may stage play. Magagaling ang mga artista at ang story. Nakaka-inlove pa nga. I wonder kung bakit ako dito dinala ni Charlie. Para ba main-love ako? Well, possible.
''Migs loved this kind of stuff. Mas nakakbilib daw ang mga artista kesa sa TV,'' namula na naman ako dahil nabanggit ko na naman si Migs. Pero nang tingnan ko si Charlie ay nakatungo siya at nagta-type sa cellphone. May tini-text siya.
Bakit ganon? Parang may mali? Magkaiba sila ni Joshua sa panliligaw dahil si Joshua palaging sa akin lang ang tingin? Pero itong si Charlie, out of focus.
Napansin niyang nakatingin ako sa kanya. ''I'm sorry. Nagtext kasi yung nanay ko,'' sabi niya.
Ngumiti ako. ''Hinahanap ka na. Gusto mo nang umuwi?''
''No! Let's finish the play. Nagtanong lang si nanay kung anong oras ako babalik at kung sa bahay ako kakain ng dinner.''
May naramdaman ako sa sinabi niya. Bigla kong naalala si mama. ''So mama's boy ka?'' pang-aasar ko.
Namula siya and I swear he is so cute!!!
''That's okay. Ako nga daddy's girl eh,'' sabi ko nang hindi siya nakasagot. Pero sa sinabi kong 'yon ay na-realize ko na hindi na ako daddy's girl. I'm nobody's girl anymore.
..
Almost 8pm na ako naihatid sa bahay ni Charlie. Not bad sa first date namin. I hope may second, third, fourth and so on pa dahil I really enjoyed his campany kesa sa boring kong bahay.
Hininga niya ang number ko. He looks so desperate at panay ang tingin sa bahay namin. Binigay ko naman.
Nang nagpaalam na siya at tatalikod na ay tinawag ko siya. Bago ko mapigilan ang sarili ko ay hinalikan ko siya sa cheek. Ikinamula ko yon dahil bukod sa papa at kay Migs, siya palang ang lalaking hinalikan ko.
Namutla si Charlie sabay silip sa bahay. ''Bakit mo ginawa 'yon?'' tanong niya na may halong takot.
''Because I wanted to. Don't worry, papa wont mind. At sa cheek lang naman,'l sabi ko pero hindi nabawasan ang emotion sa mukha niya.
''Sige, Nel. Good night. Text-text tayo,'' paalam niya at nawala na siya.
Pumasok na ako sa bahay. Pakanta-kanta pa ng love song nang magulat ako dahil lumitaw bigla si Migs pagdating ko sa living room.
''How's your date?'' tanong niya na para bang tatay ko siya.
''Wonderful!'' sagot ko at nilagpasan na siya.
Oh well, Migs. Sa tulong ni Charlie ay makakalimutan na rin kita.
.. Sana.  

The Evil QueenWhere stories live. Discover now