Part 65

1.2K 15 0
                                    

  Nel's POV
Nahihiya ako. Una, sa ginawa kong eskandalo, pangalawa sa di ko matiis na hagkan si Migs. Ngayon nasa office niya kami. Di ako makatingin nang diretso sa kanya, siya naman ay nakangising nakaupo sa upuan niya habang pinagmamasdan ako.
"You're so lovely today babe," aniya na knilig naman ako pero di nagpahalata.
"Tse! Sa tingin mo ba makakalimutan ko kaagad na itinago mo na may connection pa rin kayo ni Pia?"
"I know. That's why I kept it from you. Alam kong magagalit ka at magseselos."
"I'm not jealous!"
Tumayo siya sa kinauupuan at lumapit sa likuran ko. Niyakap niya ako patalikod.
"Of course, you are. Alam kong insecure ka. Trust me Nel, I know. But don't worry. You are the prettiest, sexiest, most gorgeous girl of my life. Kahit ulanin pa ako ng magagandang babae, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin kong maging ina ng sampu kong anak."
Doon ay napatawa niya ako sa kabila ng kilig. "Sampu? Grabe ikaw ba ang manganganak?"
"Hindi nga ako ang manganganak pero ako naman ang gagawa."
Umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Tinutukso niya ba ako? Kung oo, bibigay ba ako?
Pero kumalis din agad si Migs sa akin at pumwesto sa harap ko. Seryoso na ang mukha niya. "I am serious Nel. I want you to be my wife. Pero tulad ng sinabi ko, gusto kong okay na anglahat bago iyon. So please, love, itigil mo na."
Ang galing talaga mambasag ng mood ng lalaking ito. "Heto na naman ba tayo?"
bumuntong hininga siya. "Heto na naman tayo. We need to talk about this para di na maulit ang pag-uusap na ito Nel. Pia came here because of you. She's very scared of you."
"Aba'y dapat lang!"
"Shh, Nel listen naman pwede? Pia is very sorry. Gustong-gusto niyang humingi ng tawad sayo pero natatakot siyang di mo siya pakikinggan at igaya siya sa nanay niya."
"So ano'ng gusto mong gawin ko? Patawarin ko siya? Hah! After all the shits?"
"I know it's not that easy to forgive. All I want you to do is to allow her to talk to you and listen to her. Can you do that?"
Gusto kong sabihing ayoko. Pero ang makita palang si Migs na sincere at nakikiusap, parang di ko kayang tumanggi.
"Migs, bakit ba pinipilit mo to? Why do you care about Becca and Pia?"
"I'm not doing this for them. I'm doing this for you. Because I love you. I want you to experience peace. Yung walang bigat sa dibdib mo. I want you to be happy."
after saying thos words ay binigay niya sa akin ang traditional kiss namin.
I am so touched by his words. Ibang lalake si Migs. Ibang tao. Hindi ko alam kung may hihigit pa sa kanya.
"But I am the evil queen right?"
Natawa siya sa sinabi ko. "Talagang pini-push mo yan ah? Sige, ikaw na ang kontrabida. But for you to know, even the evil queen deserves to be happy."
"And a prince charming?"
"and she deserves the prince charming named "Miguel Lazaro."
I kiss him on the mouth briefly. "I love you."
"I love you too."
I realized today na makapiling ko lang ang mga mahal ko sa buhay ay sapat na para lumigaya ako. Sa tingin ko nga, maghiganti man ako o hindi, walang magbabago.  

The Evil QueenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang